^

Bansa

Opisyal sa ‘sex-for-flight’ ginisa sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagisa ng husto sa Senado ang isa sa mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasangkot sa “sex-for-flight” scheme sa Middle East.

Lumalabas na wala umanong ginawa si Labor attache to Saudi Arabia Adam Musa sa reklamo ng domestic helper na si Grace Victoria Sales alyas Josie na muntik ng ma-rape ng kanyang driver sa loob mismo ng Philippine Labor Overseas Office (POLO).

Wala ring ginawang aksiyon si Musa ng magkaroon ng aregluhan sa pagitan ni Josie at kanyang driver na kinilala lang sa alyas Jojo. Binayaran ng US$2,400 o nasa P110,000 ang biktima.

Tinanong ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile si Musa kung bakit wala siyang ginawa sa nangyaring aregluhan gayong ito mismo ang umamin na bahagi ng trabaho nito ang bigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga OFW.

Ikinatuwiran ni Musa na hindi niya makontak si “Josie” bagaman at hinanap niya ito matapos tumakas sa Bahay Kalinga dahil sa tangkang pangre-rape ng kanyang driver.

Sabi ni Josie, umalis siya sa kanyang employer noong Marso 2012 at tumuloy sa Bahay Kalinga kung saan niya nakilala si Jojo.

Nagtrabaho bilang janitress si Josie sa tanggapan ni Musa habang nakatira ito sa Bahay Kalinga.

“Papasok siya (Jojo) sa kwarto naming mga takas, hindi man lang kumakatok. Tapos tinataon pa niya na pag nagpapalit kami ng damit. Pumapasok po siya doon ng madaling araw at bigla kaming

vuukle comment

BAHAY KALINGA

BINAYARAN

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GRACE VICTORIA SALES

IKINATUWIRAN

JOJO

LUMALABAS

MIDDLE EAST

PHILIPPINE LABOR OVERSEAS OFFICE

SAUDI ARABIA ADAM MUSA

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with