^

Bansa

Same-sex kabit may parusa na rin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papatawan na rin ng parusa ang mga homosexuals na magkakaroon ng relasyon sa may asawa.

Nakapaloob ito sa isinusulong na “My Husband’s Lover Bill” ni Albay Rep. Edcel Lagman Jr. na hango sa sikat na drama series sa GMA7.

Layunin ng House bill 2352 na amyendahan ang panukalang crime against chastity na nagtatakda ng parusa sa mga nangangaliwa para ipasakop dito ang mga bakla at tomboy.

Paliwanag ni Lagman, sa kasalukuyan ang crime against chastity o adultery at concubinage ay sumasakop lamang sa extra marital affairs ng mga lalaki at babae.

Subalit kung ang lalaki ay nakipag-relasyon sa kapwa lalaki na may asawa o isang babae ang nakipag-relasyon sa babaeng may asawa ay hindi pa maituturing na krimen dahil walang batas na sumasakop dito.

Nilinaw naman ni Lagman na suportado nito ang Lesbian Gay Biasexual Transgender (LGBT) community su­balit hindi lamang ang positibong panig nito ang dapat pagtuunan ng pansin.

Katulad umano sa kasal, ang pagkakapantay pantay ng lahat ay dapat na pinaiiral maging “for better or for worse” man ito. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

ALBAY REP

BUTCH QUEJADA

EDCEL LAGMAN JR.

GEMMA GARCIA

KATULAD

LAGMAN

LESBIAN GAY BIASEXUAL TRANSGENDER

LOVER BILL

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with