Probe body sa P10-B ‘pork’ scam
MANILA, Philippines - Bumuo ng isang ‘special’ fact finding group ang Office of the Ombudsman para masusing imbestigahan ang napaulat na sumbong tungkol sa isyu ng P10 bilyong pork barrel ng ilang mga mambabatas na sinasabing nagamit diumano sa ghost project.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, may anim na graft investigators ang bubusisi at magsasagawa ng paÂrallel investigation kasama ang National Bureau of Investigation (NBI).
Ang imbestigasyon ay kaugnay sa isiniwalat ng whistleblower na si Benhur Luy tungkol sa diumano’y mga ilegal na gawain ni Janet Lim-Napoles na itinuturong utak ng scam.
Sinasabing gumamit ng mga huwad na non-governmental organization si Napoles, pangulo at CEO ng JLN group of companies, para makahingi ng pondo sa mga mambabatas sa Senado at Kamara mula sa pork barrel ng mga ito.
Si Luy ay nagsilbing special assistant ni Napoles sa naturang kumpanya.
Sinasabi sa report na may ilang senador at kongresista ang nakunan ng PDAF o pork barrel na sinasabing ginamit sa ghost project.
Ilan sina Senators Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., Gregorio Honasan, Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong†Revilla Jr. sa diumano’y nagbigay ng pondo sa ilang pekeng NGOs.
- Latest