Pinay drug mule ‘wag tulungan – Sotto
MANILA, Philippines - Kung si Senator Vicente “Tito†Sotto ang tatanungin, hindi na dapat tuÂlungan ng gobyerno ang bibitaying Filipina sa China na napatunayang nagpuslit ng ilegal na droga sa nasabing bansa.
Ayon kay Sen. Sotto, kung totong ‘guilty’ ang nasabing Filipina dapat maging “Pontio Pilato†o maghugas-kamay na lamang ang gobyerno para hindi mawili ang mga guÂÂmagawa ng ilegal na pagpupuslit ng droga.
“If truly guilty, we should do a Pontius Pilate. Tuwing tutulungan natin ang drug trafficker, nawiwili,†sabi ni Sotto sa isang text message.
Idinagdag ni Sotto na hindi na dapat pag-aksaÂyahan ng panahon ng gobyerno ang nasabing Filipina lalo na kung totoo ang ulat na maraming beses na itong nagbitbit ng ilegal na droga.
Halos ganito rin ang naging pananaw ni Sotto sa mga naunang kaso ng Filipino na binitay sa China dahil sa pagpupuslit ng ilegal na droga.
Naniniwala si Sotto na kung isang overseas Filipino worker ang naharap sa bitay at nagkaroon ng problema ay dapat laÂmang na tulungan ng gobyerno pero kung ang kaso ay tungkol sa ilegal na droga ay dapat pabaÂyaan na lamang ito.
Kahapon ay kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang 35-anyos Pinay ang nakatakdang bitayin na naman sa China maÂtapos mahulihan ng 6.198 kilo ng high grade heroin sa kanyang bagahe habang papasok sa paliparan ng Shanghai, China kasama ang isang lalaki bilang turista.
Lumiham na si PanguÂlong Aquino sa Chinese government upang hiliÂngin ang commutation of sentence para sa Pinay na nakatakdang bitayin anumang araw mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2, 2013.
Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Raul HerÂnandez na sinentensyahan ng kamatayan nang walang kaukulang reprieve noong 2012 ang nasabing Pinay.
Sa tala ng DFA nitong Hunyo 2013, may kabuÂuang 213 drug related cases sa mga Pinoy sa China at 28 dito ang hinatulan ng death penalty na may 2-years reprieve.
Noong Disyembre 8, 2011, isang 35-anyos na Pinoy ang sinentensyahan ng China sa pamamagitan ng lethal injection dahil sa pagpupuslit ng 1.495 kilong heroin sa Guangxi sa kabila ng apela ni Pangulong Aquino na mabigyan siya ng commutation ng sentensya.
Tatlong Pinoy din na sina Ramon Credo, 42; Sally Ordinario-VillanuevaÂ, 32 at Elizabeth Batain, 38, ang sabay-sabay na binitay noong Marso 30, 2011 dahil din sa heroin smuggling noong 2009.
Sina Credo at VillaÂnueva ay binitay sa Xiamen habang si Batain ay sa Shenzhen.
Sa ilalim ng batas ng China, ang mga mahuhulihan ng may 50 gramo ng illegal drugs tulad ng heroin ay may katapat na parusang kamatayan.
- Latest