^

Bansa

4-M estudyante sa high school, hindi makakapag-enroll – Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kakapusan ng public secondary schools kayat tinatayang mahigit sa apat na milyon kabataan ang hindi nakakapag-enroll ng high school sa bansa ngayon pasukan.

Ayon kay Act Teacher partylist Rep. Antonio Tinio, bukod sa shortage ng mga classroom sa elementarya ngayong taon ay dapat na din seryosong pag-usapan ang shortage sa high schools.

Ang nasabing problema ay dahil na rin sa kakapusan ng public secondary schools kung saan 4.6 milyon high school na may edad na 12-15  ang hindi naka enroll  sa high school, kayat nakakadgdag pa sa 6.24 milyon Out of School Youth  (OSY) sa bansa.

Sinabi ni Tinio, base umano sa rekord ay mayroong 7,268 public high school sa bansa noong 2011  habang sa elementary schools ay 38,351.

Paliwanag ni Tinio, lumalabas na mayroon lamang isang public high school sa kada limang elementary schools kung saan halos lahat ng barangay sa bansa ay mayroon nito samantalang ang high schools ay matatagpuan lamang sa urban areas at population centers lamang.

Kaya ang resulta nito 91porsiyento ng school age children ay naka-enroll sa elementary habang 62% lamang sa high schools.

Dahil dito kayat hinikayat ni Tinio ang administrasyong Aquino na gumawa ng programa upang magkaroon ng isang high school kada barangay.

 

ACT TEACHER

ANTONIO TINIO

AQUINO

AYON

DAHIL

HIGH

OUT OF SCHOOL YOUTH

SCHOOL

SCHOOLS

TINIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with