^

Bansa

Galit ng mga Taiwanese tumindi... 85K OFWs sa Taiwan nanganganib na!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanganganib na ang buhay at kaligtasan ng may 85,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan dahil na rin sa tumitinding galit ng mga Taiwanese kasunod ng pagkasawi ng kanilang kababayang mangingisda nang mabaril ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard habang nangingisda sa karagatang sakop ng Batanes.

Base sa sumbong ng mga OFWs sa Taiwan, nakakaranas na sila ng pagmamalupit ng mga Taiwanese at sila na ang napagdidiskitahan ng galit nila dahil sa umano’y pagbabalewala ng Pilipinas sa nangyaring insidente ng pagbaril at pagpatay sa Taiwanese fisherman noong Mayo 9.

Nabatid sa ulat na may apat na Pinoy na umano ang na-ospital matapos na tratuhing parang mga kriminal matapos na hampasin ng baseball bat ng mga Taiwanese.

Nakararanas din ng panggigipit at hindi maa­yos na pagtrato ang ilang mga OFWs sa kanilang emplo­yers at Taiwanese nationals lalo na umano ang mga nakabase sa Taipei.

Bukod sa harassment, hindi na rin umano binebentahan ng pagkain sa mga store ang mga Pinoy habang ipinasara ang mga tindahan na pinatatakbo ng mga Pinoy sa Kaushong habang tinatanggihan din umano silang isakay ng mga pampublikong sasakyan.

Napipilitan na lamang ang ibang OFWs na magsinungaling at itatwa na sila ay Pilipino sa tuwing may magtatanong upang makaiwas sa panggigipit, pagmamalupit at diskriminasyon ng mga Taiwa­nese.

Bunsod nito, marami na umanong OFWs ang nagnanais nang umuwi sa Pilipinas dahil sa nararanasang harassment.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, ang usapin sa mga nararanasang harassment ng mga OFWs sa Taiwan ay hawak na ng Manila Economic and Culture Office (MECO), ang tanggapan ng pamahalaan na tumitingin sa mga hinaing, reklamo at proteksyon ng mga OFWs sa Taiwan.

Maging ang Embahada ng Pilipinas sa Taipei ay binabato na ng mga itlog at tsinelas ng mga Taiwanese habang sinunog ang bandila ng Pilipinas at pinunit pa ang poster ni Pangulong Benigno Aquino III doon.

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

MANILA ECONOMIC AND CULTURE OFFICE

OFWS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with