^

Bansa

DBM ipinatigil din ang PDAF ni Malapitan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ngayon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri,  ang ginawang pahayag ng Department  of Budget and Management (DBM) hingil sa mahigpit nilang pagtutol sa  pagpapalabas ng pondo ng mga mambabatas lalo na’t  mula sa kanilang Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF).

Batay sa pahayag ni Budget Secretary Florencio B. Abad, hindi sila magpapalabas ng ano mang disbursement ngayong panahon ng halalan upang hindi magamit ng mga pulitiko sa kanilang kampanya.

Ang pahayag na ito ni Secretary Abad, ay bunsod ng paggamit umano ng Pork Barrel ni Caloocan Congressman Oscar Malapitan mula sa PDAF na nasa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para gamitin nito sa pamimigay ng financial assistance kapalit ng umano’y boto para sa kanya na kumakandidato bilang alkalde ng lungsod ng Caloocan.

Nauna rito, noong nakaraang linggo kinatigan ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Dionesio Sison ng Branch 125, ang inihaing petition for Temporary Restraining Order (TRO) ni Mayor Echiverri at National Liga ng Barangay President Rico Judge “RJ” Echiverri  na naglalayong ipatigil ang pamumudmod nito ng kanyang pondo mula sa medical assistance fund  na nasa DSWD.

Kasunod naman nito ang paghahain ng kaso ng mga residente na nagsadya sa Ombudsman upang isampa ang kaso laban kay Rep. Oscar Malapitan, at kabilang sa mga nagsampa ng kaso laban sa mambabatas ay sina Amparo C. Tagapan, Marilyn G. Joson, Valerie Regalado, Arlyn Dizon, at Jessica L. Bordomeo pawang mga residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa affidavits ng mga complainant, nagtungo umano sa kanilang mga bahay ang staff ni Malapitan na nag-alok ng tulong sa pamamagitan ng P3,000 na magmumula sa DSWD at kinuha ang pangalan ng mga ito kapalit ng pag-isyu ng tseke na ipapalit sa DSWD-Batasan.

 

AMPARO C

ARLYN DIZON

BAGONG BARRIO

BARANGAY PRESIDENT RICO JUDGE

BUDGET AND MANAGEMENT

BUDGET SECRETARY FLORENCIO B

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with