Solon kay PNoy: Sabah muna bago kampanya!
MANILA, Philippines - Dapat itigil muna ni Pangulong Noynoy Aquino ang pangaÂngampanya sa kanyang mga mga manok para sa darating na eleksyon at pagtuunan ng pansin ang kaguluhan sa Sabah, Malaysia.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, sa halip na paÂngangampanya ay pakikiramay muna ang dapat ipaabot ng Pangulo sa mga pamilya ng mga Filipino na nasawi sa nasabing bansa.
Kung hindi naman umano mapipigilan sa pangangampanya ang Pangulo ay dapat ipaliwanag nito sa mga tao kung ano ang tunay na nangyayari at ang kanyang hakbang upang maprotektahan ang mga Pinoy sa Sabah.
Giit naman ni House Assistant Minority leader Martin Romouldez, bukod sa pangangampanya dapat din itigil ng administrasyon ang imbestigasyon kung mayroong sabwatan kay Sultan Jamalul Kiram III at kay dating pangulong Gloria Arroyo at Boy Saycon.
Paliwanag ng mga mambabatas, kung talagang sa tingin nila ay may sabwatan si GMA sa grupo ni Kiram ay dapat puntahan nila ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) o kaya ay mag-isyu sila ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Saycon.
Duda ng mga mambabatas diversionary tactic lamang ito ng Malacañang upang malihis ang isyu sa tunay na nangyayari sa Sabah.
Sa halip umano maÂmulitika ay dapat munang siguruhin ng administrasyon na ligtas ang mga Filipino sa Sabah o dumulog ang mga ito sa United Nations (UN) at Commission on Human Rights (CHR) sa kabi-kabilang ulat na paglabag sa karapatang pantao ng mga Pinoy na nasabing lugar.
Suhestiyon nina SuaÂrez at Romualdez, maaari namang mag-imbestiga ang Malacañang kung talagang may conspiracy sa Sabah kapag natapos na ang gulo dito at kung may hawak na silang facts sa nasabing insidente.
- Latest