^

Bansa

GOPAC lumagda vs korapsiyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtapos na kahapon ang 5th Global Conference of Par­liamentarians Against Corruption (GOPAC) sa pamamagitan ng paglagda ng Manila Declaration na kumikilala sa United Nations Convention Against Corruption (UNCAC), ang unang kasunduan na

maaring tanggapin sa buong mundo bilang instrument laban sa korupsiyon.

Ayon kay Sen. Edgaro Angara, bagong chair ng GOPAC at kasalukuyang lider ng Southeast Asian Parliamentarians Against Corruption, ang katiwalian ay nasusukat sa pananaw ng mga mamamayan base sa kanilang karanasan.

Sumang-ayon naman ang mga miyembro ng GOPAC na ang korupsiyon ay isang problema na nakakaapekto sa mga mamamayan sa lokal na level at may malaki ring epekto sa buong mundo.

Idinagdag ni Angara na bilang mga mambabatas hindi maaring balewalain na lamang nila ang problema ng katiwalian.

Nagkasundo rin ang mga mambabatas na kasapi ng GOPAC na tutulong sa kanilang mga kasamahan sa pagsugpo ng korupsiyon sa kani-kanilang bansa.

 

AGAINST CORRUPTION

ANGARA

AYON

EDGARO ANGARA

GLOBAL CONFERENCE OF PAR

IDINAGDAG

MANILA DECLARATION

SOUTHEAST ASIAN PARLIAMENTARIANS AGAINST CORRUPTION

UNITED NATIONS CONVENTION AGAINST CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with