House probe sa ‘shootout’ gugulong na
MANILA, Philippines - Sisimulan na sa susunod na linggo ng Kamara ang imbestigasyon sa naÂganap na barilan sa Atimonan, Quezon.
Ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, hihiÂlingin na niya sa liderato na basahin sa plenaryo sa Lunes ang kanyang inihaing House resolution 2987 na humihiling na imbestigahan ang nasabing insidente kung saan 13 katao ang napatay.
Matapos nito ay maari ng magsimula ng imbestigasyon sa Miyerkules ang House Committee on Local Gvernment at Public Order and Security kung ano ang tunay na nasa likod ng nasabing insidente.
Kabilang sa ipaÂpaÂtaÂwag ng komite ang NBI at iba pang opisÂyal ng PNP.
Paliwanag ni Suarez, kailangan malaman ang tunay na dahilan ng insiÂdente dahil lumalabas umano sa mga pahayagan na ang ugat nito ay dahil sa jueteng kayat lubha silang nasasaktan sa mga naglalabasang balita.
Ang pahayag ni SuaÂrez ay sa kabila ng nauna ng pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na dapat muÂnang hintaying matapos ang imbestigasyon ng NBI bago magsagawa ng pagsisiyasat ang Kamara.
- Latest