^

Bansa

Davao del Sur, niyanig ng 4.9 na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lindol na may magnitude 4.9 ang sumalubong sa pagdiriwang ng Pasko ng mga residente ng Davao del Sur, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 216 kilometro timog-silangan ng Sarangani, Davao del Sur at ito ay may lalim na 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito dakong alas 3:50 ng madaling araw.

Bago magpasko, Lunes ng gabi ng alas-8:58 ay nakapagtala ng 4.7 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Davao del Sur.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa 210 kilometro timog-silangan ng Sarangani, Davao del Sur.

Bago ang mga lindol ay nakaranas din ng dalawang magkasunod na pagyanig sa Davao del Sur na ang  una ay  nasa 4.5 magnitude at sinundan ng magnitude 4.6.

Bukod sa Davao del Sur, dumanas din ng paskong lindol na may magnitude 3.2 ang Kalamansig, Sultan Kudarat kahapon ng alas 2:20 ng madaling araw.

vuukle comment

AYON

BUKOD

DAVAO

DEL

ISANG

KALAMANSIG

LINDOL

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SARANGANI

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with