^

Bansa

Leonen, bagong SC justice

Ludy Bermudo at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May itinalaga nang bagong associate justice ng Supreme Court kapalit ng binakante ni SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Lumalabas na pinakabatang mahistrado ng SC ang bagong appointee ni Pangulong Noynoy Aquino na si Marvic Leonen, ang dating chief government peace negotiator.

Sa darating na Disyembre 29 ay tutuntong pa lamang sa ika-50 anyos si Leonen.

Nabatid na naging makabuluhan ang papel ni Leonen sa pagbalangkas ng framework peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nagtapos bilang magna cum laude sa UP School of Economics noong 1983 si Leonen bago kumuha ng abogasya sa naturang unibersidad taong 1987.

Nanumpa na rin si Leonen kahapon kay Pangulong Aquino sa Malacañang.

CHIEF JUSTICE MA

DISYEMBRE

LEONEN

LOURDES SERENO

LUMALABAS

MARVIC LEONEN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SCHOOL OF ECONOMICS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with