K-12 lusot na rin
MANILA, Philippines - Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagtatatag ng K-12 program ng gobyerno.
Sa ginawang botohan sa plenaryo, 198 na mga kongresista ang bumoto ng pabor habang walo ang tumutol sa House bill 6422.
Kabilang sa mga kontra ang mga militanteng kongresista na sa umpisa pa lamang ay kumokondena na sa K-12 program dahil dagdag gastos lamang umano ito sa mga magulang at kulang ang pasilidad sa edukasyon upang tugunan ang pangangailangan nito.
Tumutol din si Davao Oriental Rep. Thelma Almario dahil duda umano ito kung matutugunan ng nasabing panukala ang problema ng edukasyon sa bansa.
Ang K-12 program ay nagdaragdag ng dalawang taon sa basic education para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante para maging handa sa pagpasok sa kolehiyo gayundin sa paghahanap ng trabaho.
- Latest