‘Failure of election’ ikinakalat Smartmatic kinastigo
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic Asia-Pacific dahil sa pagpapakalat umano nito ng impormasyon ukol sa posibilidad ng failure of election.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, pahaharapin niya si Smartmatic Asia-Pacific president Cesar Flores dahil bagama’t malaya ang sinuman na magbigay ng pananaw ukol sa nalalapit na halalan, hindi naman aniya makabubuti na mismong ang katuwang nila sa paghahanda sa eleksyon ang nagpapakalat ng nakakabahalang pahayag.
Naniniwala ang Comelec chief na ginagawa lamang ng poll automation service provider ang pagsasalita ng ukol sa failure of election dahil hindi nito nakuha ang kontrata sa pag-iimprenta ng mga balota at sa halip ay napunta sa Holy Family company.
Tiniyak naman ng komisyon na matutuloy ang 2013 midterm elections at hindi mauudlot ang national at local elections sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Brillantes na hindi updated si Flores sa ipinahayag nito sa media na palpak ang testing ng mga balota mula sa bagong supplier.
- Latest