^

Bansa

Pulitiko, gov’t officials bawal mag-endorso ng produkto

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aalisin na sa puwesto ang sinumang opisyal ng gobyerno o mga pulitiko na nag-eendorso ng anumang produkto.

Ito ay sa sanda­ling ma­ipasa at tuluyang ma­­­isa­batas ang House bill 2751 na inihain nina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rod­ri­guez (Abante Minda­nao) na nagbabawal sa pagiging endorser o mo­delo ng advertisements.

Ayon sa mga mambabatas, isang uri  ng panla­lamang ang pagiging pro­duct endorser ng mga pulitiko at imateryal din umano kung anuman ang kanilang rason kung bakit ginawa ang kani-kanilang advertisements.

Sa ilalim ng panukala, ang mga opisyal maging sila man ay halal o appointed na sangkot sa product advertising ay patatalsikin at hindi na papahintulutan pa na ma­kaupo sa alinmang puwesto sa gobyerno.

Bukod dito, pagmumultahin din ang mga ito ng halos katumbas ng halaga ng product advertisement nito.

Sa kasalukuyan ilan la­mang sa mga politician na may ini-endorsong pro­dukto tulad ng isang brand ng hotdog, isang computer school, razor, relo at herbal food supplement ay si Senador Francis Escudero.

Maging sina Senators Bong Revilla, Pia Ca­ yetano at Loren Le­garda ay may iniendorso ring mga produkto.

Sa hanay ng mga kon­g­resista, mara­ming en­dorsements si Aurora Rep. Sonny Angara.

ABANTE MINDA

AURORA REP

LOREN LE

MAXIMO ROD

PIA CA

RUFUS RODRIGUEZ

SENADOR FRANCIS ESCUDERO

SENATORS BONG REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with