^

Bansa

Holdaper nagpapanggap na pasahero at driver babantayan: Preparasyon sa Undas ng NCRPO larga na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda na ang buong puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pagbibigay ng seguridad sa publiko para sa darating na Undas sa Nobyembre 1 at 2.

Sa direktibang inilabas ni NCRPO Director, Chief Supt. Leonardo Espina, dapat tutukan ng limang district directors ang tatlong aspeto na bibigyan ng seguridad - 1. Bahay, 2. Biyahe at 3. Sementeryo.

Sa mga maiiwang bahay, iniutos nito ang walang tigil na pagpapatrulya sa loob ng 24 oras sa mga barangay upang maiwasan ang pagsa­lakay ng mga akyat-bahay, makipagdayalogo sa mga pinuno at mga residente na huwag iwanan ang mga bahay ng walang bantay, iwanang may ilaw ang bahay, at tiyakin ang mga kaligtasan para makaiwas sa sunog.

Sa mga bibiyaheng sasakyan, inatasan ni Espina ang mga District Directors na magpakalat ng mga tauhan para mag-inspeksyon sa mga terminals ng bus at jeep, ipaalala ang BLOWBAGETS (Brakes, lights, oil, water, battery, air, gas, engine) para maiwasan ang pagtirik, pagbawalan ang mga tsuper na maysakit at lasing na magmaneho, at magpatupad ng checkpoint sa mga kolorum na behikulong bibiyahe upang maiwasan ang panghoholdap ng mga nagpapanggap ng driver at pasahero. 

Sa Sementeryo, magpapatupad ng ibayong seguridad tulad ng pagbabawal sa mga armas at lahat ng uri ng matutulis na bagay, pagbabawal sa pag-iingay, pag-iikot sa mga malalaking semen­teryo upang maiwasan ang taunang nagaganap na rambol ng mga kabataan, at maniktik laban sa mga mandurukot.

 

BIYAHE

CHIEF SUPT

DISTRICT DIRECTORS

ESPINA

LEONARDO ESPINA

NAKAHANDA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NOBYEMBRE

SA SEMENTERYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with