^

Probinsiya

4K pamilya apektado ng pagbaha sa Zamboanga City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 4,000 pamilya ang apektado ng matin­ding pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan na dala ng habagat, ayon sa ulat nitong Lunes.

Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang mga pagbaha na nararanasan sa lungsod ay sanhi ng ilang araw na malalakas na pag-ulan dito kung saan umapaw ang mga ilog.

Dahil dito, pinag-aaralan naman ng pamahalaang lungsod na isailalim sa state of calamity ang kanilang lugar.

Sa mga apektadong katao, nasa 1,980 pamilya naman o katumbas na 8,148 katao ang nanuluyan sa mga evacuation centers sa iba’t ibang Barangay ng lungsod ng Zamboanga.

Nabatid na simula pa noong Setyembre 13 ay naranasan na ang malalakas na pag-ulan bunsod upang magdulot ito ng grabeng mga pagbaha na nagpalubog sa malaking bahagi ng lungsod.

vuukle comment

FLOODING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with