^

Para Malibang

Gubat sa Japan Paboritong Lugar ng Nagpapakamatay!

MRYOSO - Pang-masa

Matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Mount Fuji ang 13.5 square miles na lawak ng kagubatan na tinatawag na Aokigahara.

Ang nasabing kagubatan ay may makapal na mga halaman kung kaya tinawag itong Sea of Trees. Pero kilala rin ang kagubatang ito dahil sa kasaysayan ng mga pagpapakamatay ng mga tao.

Tinagurian din itong The Suicide Forest,  dahil nga lahat ng pumapasok sa nasabing gubat ay literal na hindi na lumalabas nang buhay.

Ang Aokigahara rin ang isa sa pinaka-popular na suicide destination sa buong mundo dahil nga sa makapal ang mga halaman at puno sa nasabing kagubatan.

Ang mga bangkay dito ay matagal bago matagpuan kung hindi man ay hindi na rin natatagpuan. Ang tantiya ng mga kinauukulan ay may halos 100 katao ang nagpapakamatay sa nasabing lugar.

Bukod sa masamang reputasyon nito ay hindi rin ito magandang lugar para pasyalan.

Ang mga puno kasi ay halos nagkandabuhul-buhol na at parang sa mga nakakatakot na pelikula makikita. Maging ang sahig nito ay gumagapang na halos parang may buhay. Ang daanan ay hindi patag dahil nga nasa ibaba ito ng bundok.

May kakaibang pakiramdam din kapag nasa kagubatan ka na halos walang gumagalaw dahil hindi makapasok ang hangin. Magkakadikit-dikit kasi ang mga puno kaya naman halos wala ring mga hayop na nabubuhay dito.

Ayon sa isang na?abisita na sa kagubatan, “I cannot emphasize enough the absence of sound. My breath sounded like a roar.”

May mga nilalang kayang humahatak sa mga tao para magpakamatay sa nasabing lugar?

May kinalaman kaya ang mga dating nagpakamatay dito at sila ang may kagagawan sa pagdami ng gustong bawiin ang kanilang buhay sa nasabing lugar?

Kayo na ang humusga.

MOUNT FUJI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with