Tumatagas na Gripo
Isa sa mga kadalasang problema sa ating mga tahanan na hindi binibigyang pansin ay ang tumatagas na gripo. Iniisip ng karamihan sa atin na ang tumutulong gripo ay hindi malaking problema. Pero ang hindi natin alam, bukod sa isa ito sa dahilan ng paglobo ng water bill, galung-galon din ng tubig ang nasasayang bawat araw.
Simulan ang pag-inspeksyon sa nagli-leak na gripo sa pagpatay ng main switch sa kuntador ng tubig para maiwasan ang anumang aksidente.
Ang pinaka-common na uri ng gripo ay ang compression-type faucet. Kung hindi ka sigurado sa uri ng gripo mayroon kayo, maaring tingnan ang pangalan ng manufacturer sa mismong gripo at hanapin sa Internet.
1. I-unscrew ang faucet handle at tanggalin ito. Ang screw ay maaring nakatago sa may disenyong metal o plastic cap, maaari rin itong makita sa likod ng handle.
2. Tanggalin ang packing nut. Kinakailangan ng pliers para rito. I-unscrew din ang valve stem at tanggalin ito sa pinaka-housing.
3. Tanggalin ang screw na nagkakabit sa washer sa stem. Tingnan nang mabuti at inspeksyunin kung ito’y nag-deteriorate na. Kung hindi pa masyado maaaring ang valve ang may sira.
4. Kung anuman sa dalawa ang may sira maaaring bumili sa hardware ng washer o kaya’y mismong valve. Kadalasang may kasamang kit ang washer para sa mas madaling magpapalit nito.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest