^

Pang Movies

Ivana dedma sa mga intriga, namudmod ng ayuda sa mga batang may sakit

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ivana dedma sa mga intriga, namudmod ng ayuda sa mga batang may sakit
Ivana Alawi.
STAR/ File

Sa halip na sagutin ang mga isyung kinasasangkutan regarding her love life ay mas abala ngayon si Ivana Alawi sa paggawa ng mga makabuluhang content na makakatulong sa ibang tao.

In fairness, humanga naman kami sa aktres dahil sa kanyang latest vlog titled Buhay Ospital  kung saan ay mapapanood ang pagbisita niya sa Philippine Children’s Medical Center at nag-abot ng tulong sa mga batang may sakit.

Sa simula ng video ay naglabas muna ng disclaimer ang aktres na last year pa nila inasikaso ang lahat ng permits na kailangan para makapag-vlog sila sa nasabing ospital.

“Since last year pa kami nag-prepare sa pagkuha ng mga permit at pagpapaalam sa lahat ng tao na makikita sa video na ito,” aniya.

Nakiusap din siya na huwag i-skip ang ads sa vlog dahil ang kikitain ng video ay ido-donate niya sa ospital.

“Mabigat nakapanood ng mga ganitong kuwento pero ang pakiusap ko sana, ‘wag niyo po sana i-skip ang mga ads, dahil lahat ng kikitain ng video na ito ay ido-donate natin sa Philippine Children’s Medical Center. Mara­ming salamat po,” aniya.

Mapapanood sa vlog ang pakikipag-usap ni Ivana sa mga batang pasyente pati na ang kanilang mga magulang. Nakausap din niya ang mga doktor at nurse na gumagamot sa mga batang may sakit.

Ilan sa mga pasyente ay binigyan ni Ivana ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng P50,000 para kahit paano ay makatulong sa medical expenses at iba pang gastusin.

“Napakahirap kasi magkasakit. Financially, mentally, everything. Kaya eto, ano lang siya, maliit na tulong. Touched nga ako kanina kasi parang sabi nila na big thing na pumunta ako rito kasi sumaya sila,” pahayag ng aktres.

Na-realize rin niya na mas matindi ang dinadanas na hirap ng mga batang may sakit kumpara sa kanyang mga problema.

“Sobrang hirap nu’ng nakita ko ‘yung sitwasyon nila, tapos umaarte ako sa mga problema ko. ‘Yung ibang mga bata, mas malaki ‘yung problema nila.

“Tapos ‘pag tinatanong natin sila, ‘ano ‘yung wish mo?’ Ang wish lang nila, gumaling. Feeling ko, ang laki ng mga problema ko,” aniya.

Nagbigay rin siya ng brand new phone sa doktor at nurse na nakasama niyang maglibot sa mga ward.

Klarisse, pinagsigawan ang pagiging bahaghari

Trending kahapon, Sabado, sa X ang pagbabalik ni Klarisse de Guzman sa It’s Showtime matapos ang journey niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nag-perform ang singer ng dalawang awitin (Beautiful and Fighter) na talaga namang labis na hinangaan at pinuri ng hosts.

Binigyan din ng mainit na pagsalubong ng hosts si Klarisse kabilang na si Vice Ganda na matatandaang nagpahayag ng matinding suporta sa singer at sa ka-duo nito na si Shuvee Etrata sa PBB.

Nagyakapan sina Vice Ganda at Klarisse sa kanilang muling pagkikita at nagbatian ng “Happy Pride.”

Ipinahayag ni Klarisse ang happiness niya na finally ay nai-reveal na niya at nailabas na niya ang kanyang tunay na pagkatao. Matatandaang last April ay inamin ng Kapamilya singer na miyembro siya ng LGBTQIA+ at may partner siya for four years now na si Trina. “Finally, hindi na ako takot. ‘Di ba? Wala na akong tinatago. Isa akong bahaghari, I’m proud of that,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya. Actually hindi naman po talaga ako papasok ng PBB, Meme, kung hindi ako handa. And sobrang handang-handa ako, hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon. Hangga’t nakita ko si Michelle (Dee), I think it’s time and sobrang saya. Ang saya sa pakiramdam na wala ka talagang tinatago na sa dibdib mo. And ‘yun nga, finally, kaya ko nang ipagsigawan.”

Sinabi rin ni Klarisse na hindi rin niya in-expect na matatanggap din ng mga tao ang kanyang pagkatao.

“Sobrang saya talaga. Hindi ko po in-expect na matatanggap din ‘yun ng tao. Actually, ‘yun ang worry ko paglabas. Kamusta kaya kung bumalik ako sa work? Ano kaya ang tingin nila sa ‘kin? ‘Yun po ‘yung worry ko,” sey niya.

Sa huli ay malaya nang nabati ni Klarisse ang kanyang partner na dati ay hindi niya magawa.

“Finally now, mapagsisigawan ko na. Dati kasi, Raul, Bogart, ang daming screen name, ang dami kong sinasabing name. And finally, mapagsisigawan ko na.

“Hi Trina! Thank you, dahil hindi mo ako iniwan kahit sa mga pagkakataong hindi kita mapagsigawan. And ito finally, ngayon masasabi ko na, I love you, Trina! Love wins!” mensahe ni Klarisse sa partner.

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with