Jolens, may mga natutunan sa bata

Aminado si Angeline Quinto na grabe ang preparation niyang ginawa sa Idol Kids Philippines bilang isang hurado.
Ito ay dahil sa dalawa niyang anak.
“On my own ha (ang preparation). Para sa sarili ko kasi medyo malambot ang puso ko ‘pag may nakikita akong umiiyak na bata at matanda. So bilang nanay, nahihirapan akong mag-no. Pero dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay ko...
“Lahat nang no na ‘yun, Ang laking tulong kung nasaan man ako ngayon.
“Sa lahat ng mga nag-no sa akin noon, tandaan n’yo ang araw na nag-no kayo... kasi ang laking tulong sa akin nu’n,” pagbibiro ni Angeline na sinasagot ni Regine Velasquez.
Bagong pasok sa Idol Kids Philippines sina Angeline at JK Labajo kasama ang mga nagbabalik na hurado na sina Regine Velasquez at Gary Valenciano.
Ganundin si Jolina Magdangal na bagong pasok na co-host ni Robi Domingo.
Na ayon kay Jolina ay may mga natutunan siya: “Ito hindi mo sila pwedeng i-treat na porke’t alam mo nang mag-alaga ng bata... dahil iba-iba sila. Pero ang masasabi ko lang kahit na ganun kaliliit ang mga bata ngayon, meron ka ring matutunan. At mas nakaka-excite panoorin kung ano ang mga kinatatakutan nila,” sabi ni Jolens sa ginanap na media conference nito noong isang araw.
Anyway, mapapanood ang Idol Kids Philippines tuwing Sabado, 7:15 p.m. hanggang 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at tuwing Sabado (8 p.m. hanggang 9:15 p.m.) at Linggo (8:15 p.m. hanggang 9:30 p.m.) sa TV5.
- Latest