Balanseng diet
Ang vitamins ay mga organic substance na kailangan para sa normal na paglaki ng mga bata at maiwasan ang mga sakit na dadapo sa katawan. Ang ibang B vitamins, ay malaking tulong para mapabilis ang pagtunaw ng pagkain. Ang katawan ng tao ay hindi nagpo-produce ng bitamina, kaya kailangan ma-digest ang ilang bahagi sa diet na kinain ng indibiduwal sa maghapon.
Ang taong hindi sapat na nakakakuha ng bitamina ay mataas ang panganib ng kapitan ng sakit. Karamihan sa mga tao na walang balanseng diet ay kinakikitaan ng sintomas ng deficiency diseases. Madalas naririnig natin na kumain ng carrot na maganda sa mata. Ang totoo, ang karot ay naglalaman ng bitamina A na nakatutulong upang maiwasan ang sakit sa mata o pagkabulag.
Ang vitamin A ay kailangan din para sa pagpapatibay ng ngipin, butot at para labanan ang impeksiyon sa loob ng ating katawan. Ang mga pagkain na mayaman sa vit. A ay katulad ng spinach, carrots, sweet potatoes, itlog, fish oils, at atay.
Marami pang vitamins at protetina na kailangan,ng ating katawan ang mahalaga ay ugaliing kumain ng tamng pagakain para maprotektahan ang katawan laban sa sakit at magkaroon ng magandang kalusugan.
- Latest