Malusog ka ba talaga?
Ang hindi pagkakaroon ng sakit ang isa sa mga indikasyon na ikaw ay malusog. Kaya lang minsan, may ibang paraan ang ating katawan para magpahiwatig na ito ay may karamdaman. Narito ang ilang palatandaan na maaari kang dapuan ng sakit dahil sa kakulangan ng bitamina sa katawan:
Pagkakabitak-bitak ng sulok ng iyong bibig – Ang kakulangan sa Iron, zinc at B vitamins gaya ng niacin (B3), riboflavin (B2) at B12. Ang mga vegetarian ang karaniwang nakakaranas ng kakulangan sa mga bitaminang ito dahil sa istriktong pagda-diet nila. Kaya para naman mapunan ito dapat kumain ng itlog, salmon, tuna, oyster, clams, sun-dried tomatoes, swiss chard, tahini, peanuts at legumes.
Mapula at nangangaliskis na balat at paglalagas ng buhok – Ito ay nangyayari kung ang katawan ay kulang sa Biotin (B7) na kilala bilang hair vitamin. Bagama’t ang katawan ay nag-a-absorb ng mga soluble vitamins gaya ng vitamins D, E, K, hindi naman agad ito nakakakuha ng iba’t ibang uri ng vitamin B na itinuturing na water soluble. Kaya kung nais mong magkaroon ng makinis na balat, kumain ng lutong itlog, salmon, avocado, murshrooms, cauliflower, soybeans, nuts, raspberries at banana.
Pamamanhid ng mga braso, binti at iba pang bahagi ng katawan – Kung nakakaramdam ka na tila namamanhid ang iyong mga braso,binti, paa, kamay o iba pang bahagi ng katawan o di kaya’y madaling mangawit ang mga ito, maaaring kulang ka sa vitamin B gaya ng folate (B9), B6 at B12. Ang ganitong mga sintomas ay indikasyon na may problema sa iyong mga ugat at lalabas ito sa iyong balat. Ang kakulangan din sa bitaminang ito ay posibleng maging sanhi ng depresyon, anemia, fatigue at hormonal imbalance. Kapag ganito ang sitwasyon, agad kumain ng spinach, asparagus, beans, itlog, pusit, talaba, tahong at iba pang poultry products.
- Latest