Kalabasa (2)
Mabuti para sa puso - Ang kalabasa ay konte ang fat at walang cholesterol. Sa isang tasa ng kalabasa ay mayroong 0.2 g ng fat. Ang pagbabawas ng kinukunsumong fat at cholesterol ay malaking bagay upang maiwasan ang panganib dulot ng sakit sa puso.
Sa pagkain ng kalabasa ay makakakuha ng magnesium na maaaring makabawas ng panganib na dulot ng atake sa puso at stroke. Ang pinagsamang potassium at magnesium ay maganda upang makaiwas sa mataas na presyon ng dugo. Ang bitamina C at beta-carotene sa kalabasa ay malaking tulong para mapigilan ang oxidation ng cholesterol. Kapag ang cholesterol ay nag-oxidized ay nahaharangan nito ang blood vessels na pumipigil sa pag-develop ng nutrients ng atherosclerosis.
Ang mataas na lebel ng nutrients ng kalabasa ay nakakatulong sa puso na maging malusog. Mayaman din ito sa fiber na mainam na sangkap upang mapababa ang lebel ng cholesterol at panganib ng sakit sa puso
Pinapanatili ang malusog na colon - Sa 2.52 grams per serving, ay mayaman ito sa fiber na kailangan na kailangan na panlaban sa toxins at napakaimportanteng nutrients para mapanatiling malusog ang colon.
Para sa malusog na prostate - Pinapababa nito ang sintomas ng prostatic hypertrophy o BPH. Sa mga kalalakihang nakararanas ng BPH ay problema ang paglaki ng prostate gland na nagiging sanhi ng kahirapan sa pag-ihi at problema sexual life.
- Latest