Sobrang katabaan, iwasan (2)
3. Uminom ng maraming tubig
Sa pag-inom ng maraming tubig bago kumain ay makakatulong na maging busog agad upang sa gayon ay maiiwasan ang pagkain ng marami. Kapag ang isang tao ay nauuhaw ay nakakaramdam din ng gutom kaya uminom ng tubig para mabawasan ang nararamdamang gutom at gana sa pagkain.
4. Kumain ng madalas
Ang mga doctor at mga health experts ay naniniwala na ang pagkain ng madalas ay isang mabuting paraan para maiwasan ang overeating. Kumain ng kaunti at masusustansiyang pagkain ng madalas at hindi lalampas sa tamang oras ay magsisiguro na hindi mararamdaman ang gutom sa buong araw. Kapag hinayaang magutom ay maaaring magresulta ng sobra-sobrang pagkain. Kung nakararamdam ng gutom ay kumain ng kaunti at uminom ng tubig, mawawala ang nararamdamang gutom.
5. Kumain ng pagkaing mayayaman sa fiber
Ang mga pagkaing mayayaman sa fiber mabilis makabusog. Sa pagkain ng mayaman sa fiber makakaramdam ng matagal na pagkabusog na makakapaglimita sa madalas na pagkain na magreresulta sa over eating.
- Latest