The ghost of ‘Padre Tililing’ (32)
“MAY ITATANONG ako sa iyo, Miranda...”
“Ano ‘yon, Simon?” Ang bagong mag-asawa ay handa nang matulog sa kanilang quarters.
“May nalabi pa palang rootbeer. Inumin muna natin,” masuyong sabi ni Simon.
Paborito nila ang inuming mula sa katas ng halamang-ugat. Simpleng kaligayahan iyon sa kanilang buhay.
“Simon, huwag mo akong iiwan, ha?” Naglalambing si Miranda.
“Never,” sabi ni Simon. “Sa buhay ko—ako ang iniiwan.”
“Hindi mangyayari iyon sa atin. Habambuhay tayo,” pangako ni Miranda, pinisil ang kamay ng kabiyak.
May naulinigan sila mula sa katabing room, parehong nagningning ang mga mata.
Love Me Tender ni Elvis Presley, suwabeng inaawit ng guwapung-guwapong idolo ng Rock ‘N Roll era.
Sabay pa nilang nasabi ang dalawang salita. “Theme song!”
Bigla nga’y meron nang theme song sina Miranda at Simon. Kay ligaligaya nila nang mga sandaling iyon.
Naglapat ang kanilang mga labi.
“Ano na nga ang sasabihin mo, Simon?” malambing na ungot ni Miranda.
“Ipangako mo munang hindi ka magwawala.”
Napangiti si Miranda. “Ako, magwawala? Napaka-imposible naman ‘yan, Simon.”
Huminga muna nang malalim ang mister. Saka tuluyan nang nagtanong kay Miranda.
“Galit ka ba pa kay...Padre Tililing?”
Ang nakita ni Simon—ang mga mata ni Miranda ay parang lumiit. Nakalarawan ang matinding suklam.
Nais magsisi ni Simon. Pakiramdam niya’y sasambulat ang napakalakas na bulkan.
“Miranda, huminahon ka...”
“Kailanman, saan mang panahon—isinusumpa ko si Tililing! Kaaway ko siyang mortal! Aaahhh!” (ITUTULOY)
- Latest