Hunyo 19, 2025
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Dapat ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi ka mapahamak. Ingatan ang mga gamit lalo na ang mga alahas at pera. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at ocean blue.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Malaki ang magiging bahagi ng isang Capricorn na may kinalaman sa iyong pangarap, o promosyon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Magiging kalituhan ang hatid sa iyo ng kapwa Leo na maaaring pagmulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag pabigla-bigla ng desisyon. Malaki ang magiging bahagi ng Pisces, Capricorn o Aries. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung single, matutuon ang panahon at atensyon sa pagpaplano tungkol sa pag-aasawa o pagpapakasal. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Marami ang masayang pangyayari ngayon. Magiging pinakamasaya ang buhay sa piling ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maisasaayos ang suliraning pinansiyal. Hahangaan ka ng isang Libra dahil sa kahusayan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magkakaroon ng maraming activity. Pagtuunan ng pansin at dobleng pag-iingat sa anumang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 35, 49 at sun yellow.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Kung magbabiyahe, maisasakatuparan ito. Mas mauunawaan ngayon ang ipinagtatampo ng kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at jade green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ingatan ang kalusugan. Magiging smooth sailing ang aspeto ng pag-ibig at magkakaroon ng artistic mind. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 33, 35 at indigo.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Malamang makakasagupa ang isang Gemi-ni na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Malaki ang magiging bahagi sa iyo ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.
- Latest