^

Para Malibang

Anong posisyon n’yo sa pagtulog?

Pang-masa

Maraming istilo sa pagtulog ang bawat isa. Kaya lang hindi ka naman habambuhay na magiging mag-isa at walang katabi sa iyong patulog. Kung kayo ay mag-asawa, mayroon din kayong paboritong posisyon sa inyong pagtulog at narito ang ibig sabihin nito:

“Back to Back” – Ang pagtulog ng magkatalikuran pero magkadikit ang inyong mga likod ay maituturing na  mayroon kayong “intimate physical contact”. Maraming couples ang paborito ang posisyong ito sa pagtulog dahil indikasyon ito na nagbibigay kayo ng space sa isa’t isa ngunit tinitiyak ninyong magkatali pa rin ang inyong puso at emosyon. Sinisimbolo ng posisyong ito ang pagkakaroon ng mataas na seguridad at “comfort” sa bawat isa. Ibig sabihin din nito ay relax na kayo sa isa’t isa matapos ang maraming taon ng pagsasama kaya naman mayroon na kayong kalayaang i-“express” ang inyong mga sarili kahit sa pagtulog.

Magkatalikod at halos nasa dulo na ng kama – Dalawa ang ibig sabihin ng ganitong klase ng pagtulog. Ang una ay indikasyon na “secure” kayo sa bawat isa at hindi na nangangailangan na maramdaman ang katawan ng isa’t isa. Ngunit ang negatibong ibig sabihin nito ay ang posibilidad na nagiging malayo na kalooban ninyong dalawa. Hindi rin ito normal lalo na kung hindi naman ito talaga ang kinasayanan ninyong posisyon sa pagtulog. Mabuting mag-usap para agad na maresolba ang isyu bakit nagiging malayo kayo sa isa’t isa.

‘Spoon style’ – Ang posisyong ito ay nakadapa ang isa habang nakapatong din sa kanyang likod ang isa. Indikasyon naman ito na nagbibigay ng emotional protection ang partner na nakapatong sa likuran. Maituturing na isang malalim na pagmamahal at pagkalinga ang ibinibigay ng isa’t isa.

DALAWA

IBIG

INDIKASYON

ISA

KAYA

MABUTING

MARAMING

PAGTULOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with