‘Cold bath’...
Marami sa atin ang takot na maligo ng malamig na tubig lalo na ngayong panahon ng tag-lamig. Pero, sa totoo lang may benepisyo ang paliligo ng malamig na tubig. Narito ang ilan:
Mabilis na nakakagaling ng maga – Ang paliligo ng tubig na malamig lalo na kung ito ay may yelo ay nakakatulong sa mabilis na paggaling ng pamamaga ng muscles sa iyong katawan. Epektibo ito dahil mapapabilis ng lamig ng tubig/yelo ang blood circulation sa iyong katawan kaya agad na maaalis ang maga ng muscles. Ayon sa pag-aaral ng Thrombosis Research Institute sa England, ang ganitong uri ng therapy ay makakapagpalakas ng immune system ng katawan sa pamamagitan ng pagtaas ng white blood cells.
Nagpapaganda ng balat at buhok – Ang mainit na tubig ay nakakapagpatuyot ng balat at buhok. Ngunit kabaliktaran ito ng paliligo sa malamig na tubig, dahil ang malamig na tubig ay nakakapagpatibay ng balat. Ang sikat na singer na si Mariylyn Monroe ay naliligo ng malamig na tubig, para mapanatiling makintab ang kanyang buhok at firm ang kanyang balat. Ang malamig na tubig ay nakakapagsara ng iyong “pores†sa balat. Nagpapaganda rin ito ng pagdaloy ng dugo.
Nagbibigay ng “good chemicals†– Sa pag-aaral ng Department of Radiation Oncology sa Virginia Commonwealth University, lumalabas na ang paliligo ng malamig ay isang paraan para mawala ang stress. Ito ay dahil tinutulungan ng malamig ng tubig ang katawan ng tao na mag-produce ng kemikal na “noradrenalineâ€. Kapag ang isang tao ay may mababang “noradrenalineâ€, tiyak na makakaramdam siya ng depresyon. Kaya kung nalulungkot ka, maligo ka ng malamig na tubig. Nakakapagtaas din ito ng energy at “testosterone†level. Kaya kung wala ka rin sa mood na makipag-sex kay ate, ibabad lang ang iyong katawan sa malamig na tubig.
- Latest