Casimero itataya ang IBF crown
MANILA, Philippines - Nangako si Filipino world light flyweight chamÂpion Johnriel CaÂsiÂmero na gagawin niÂya ang lahat ng kanyang magagawa para maÂtagumpay na maiuwi ang kanyang suot na koroÂna laban kay Panamanian challenger Luis ‘Pan Blanco’ RÃos.
“Gagawin ko talaÂga ang lahat para hindi maÂagaw sa akin ni Rios itong korona ko,†sabi ng 23-anyos na tubong OrÂmoc City, Leyte sa 22-anyos na si Rios.
Itataya ni Casimero ang kanyang hawak na InternatioÂnal Boxing FeÂdeÂration crown laban kay RiÂos ngaÂyon sa MegapoÂlis ConÂÂvention Center ng Hard Rock Hotel PaÂnaÂma.
Tangan ni Casimero ang kanyang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs kumpaÂra sa 18-1-1 (13 KO’s) slaÂte ni Rios.
Kung mananalo kay Rios, isang unification fight ang plano ni Filipino proÂmoter Sammy Gello-ani para kay Casimero.
Alinman kina World BoÂxing Council champion Adrian FernanÂdez ng MeÂxico at World Boxing Association titlist Roman Gonzales ng Nicaragua ang maaaring makalaban ni Casimero para sa isang unification fight, ayon kay Gello-ani.
Naidepensa ni CasiÂmero ang kanyang suot na IBF light flyweight crown kontra kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon.
- Latest