^

Para Malibang

‘The Rainbow (4)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

AWANG-AWA si William  sa anak, miss na miss nito ang inang si Mildred. Kung anu-ano na tuloy ang sinasabi ng batang babae. “Tamara, baby, malayung-malayo pa bago kayo magkikita ni Mommy sa kabilang buhay.  Mabuhay muna tayo sa kasalukuyan, anak.”

“Pero, Dad, ano ang ibig sabihin ni Mommy—na wala akong dapat alala­hanin sa mangyayari?” Matalino si Tamara, marunong mag-isip.

“Anak, hindi ko alam. Pero sabi ko nga, imahinasyon mo lang ang lahat or probably nanaginip ka…”

“Puwede po bang managinip nang gi­sing?  I was awake when Mommy spoke and appeared to me. Tumabi pa nga ho sa kama ko.”

“Wala siyang ibig sabihin, Tamara, okay? Tapos na ‘yang kuwento mo. Bayaan na­ting mamahinga na sa Langit si Mommy.”

PERO tatlong gabing sunod na nagigising sa hatinggabi si Tamara. Iisa ang kuwento sa ama. 

“Dinalaw uli ako ni Mommy. Wala nga raw po akong dapat alalahanin. I’ll be happy.” Pinaninindigan ng bata ang inaakalang totoong nangyayari sa hatinggabi.

Ayaw namang maniwala si William. “Matulog na uli tayo. Matagal pa bago mag-umaga. May field trip kayo, Tamara.”

Umagang-umaga nang umalis ang tourist bus na sinasakyan ni Tamara at iba pang mga bata. May kasama silang mga teachers.

Mabilis ang mga pangyayari. Nasa bulubundu­king highway na ang bus nang harangin sila ng mga sandatahang lalaki.

Kasunod ay pinaulanan ng bala ng mga lalaking ito ang mga batang nasa loob ng bus. BANG. BANG. BANG. BRATATATT.

Nakahihilakbot ang tanawin sa bus. Kaydaming namatay-- mga bata at mga guro.

Kabilang sa mga nasawi si Tamara. Sampung beses tinamaan ng bala ang mabait at magandang bata.

Napahangos sa crime scene ang mga magulang, pati na si William.

Nakalatag sa labas ng bus ang mga bangkay. Naroon na ang mga pulis at media. Naghagulhulan ang mga magulang nang makita ang mga patay nang minamahal.

Kaypait-pait ng kalooban ni William, hindi matanggap na wala na si Tamara.  “Bakit ikaw pa, anak? Kaydaming matatandang dapat nang ma­matay, hindi ikaw na batam­bata pa!” 

(ITUTULOY)

 

ANAK

AYAW

KAYDAMING

PERO

TAMARA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with