^

Pang Movies

Kim at Jerald, kakaiba ang love story

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kim at Jerald, kakaiba ang love story
Kim at Jerald

Kakaiba ang love story ng engaged couple na ngayon na sina Kim Molina at Jerald Napoles na pagkalipas ng 10 taong relasyon ay nitong nakaraang Aug. 11, 2024 lamang na-engage.

Taong 2014 nang una silang magkakilala sa set ng hit musical play na Rak of Aegis.

Si Kim ay gumanap sa lead role na Aileen (at ka-alternate niya ang singer-actress na si Aicelle Santos) habang si Jerald naman ang gumanap sa lead male character na Tolits (at kapalitan naman niya ang singer-actor na si Pepe Herrera).

It was not love at first sight sa dalawa. Inamin ni Jerald na nagandahan at naseksihan umano siya sa baguhang si Kim na lumaki sa Saudi Arabia kung saan naka-base ang kanyang parents, her father being a practicing dentist sa nasabing bansa.

Sinubukan ni Jerald na mapalapit kay Kim na naging receptive naman sa kanya. Sa loob ng apat na taon ay naging mag-best friends ang dalawa. Naglalandian umano sil nung mga panahong ‘yon pero wala umano silang commitment sa isa’t isa.

Libreng makipag-date sa iba ang dalawa pero kahit may ibang manliligaw na noon si Kim ay nanatili siyang loyal kay Jerald kahit wala pa itong commitment sa iba.

Although nagdi-date na silang dalawa, nakikipag-date pa rin sa iba si Jerald dahil nga wala pa silang commitment sa isa’t isa. Pero nasasaktan sila pareho kapag nalaman nila na may iba silang kinakatagpo.

Since wala namang direksyon ang kanilang relasyon, nagkahiwalay sila sa loob ng tatlong buwan at doon lamang nila na-realize na mahal at kailangan pala nila ang isa’t isa kaya muli silang nagkalikan at doon lamang sila nagkaroon ng commitment.

Napagkamalang buntis si Kim kamakailan pero sinabi niyang mataba lang siya.

JERALD NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with