^

Pang Movies

Marian, Box Office Queen ulit!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, Box Office Queen ulit!
Marian

Si Marian Rivera ang tinanghal na Film Actress of the Year sa 53rd Box-office Entertainment Awards kamakailan.

Kahit nga patuloy pa ring ninenega si Yan, lalo lang umaangat ang kanyang career. Walang makapagpabagsak sa kanya!

Soon, Marian will be visible on TV via weekly show. This time, ang husay niya sa pagsasayaw ang ibabahagi niya sa programa.

Naku, you cannot put a good man down kahit anong paninira ang gawin ninyo!

Young actor, naitago ang pakikipag-date sa miyembro ng female group!

Matinik din sa babae ang isang sikat ngayon na young actor. Gaya ng kanyang ama na celebrity rin, malihim ang escapades nito sa babae.

Ayon sa aming source, naka-date ng young actor ang isang member ng female group na kilala rin.

Pero naging maingat silang dalawa at walang netizen na naka-spot sa kanila kaya maski isang balita eh walang nag-leak until tapos na ang date.

Kung anong nangyari sa date nila at kung saan, naku, guwapo si young actor at pagpapantasyahan ng kung sinumang babae o accla, huh!

8th Eddys, mamimigay ng Producer of the Year

Delayed telecast ang 8th Eddys mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Nagbigay ng 14 acting and technical awards para sa 2024 film releases. Meron din silang kategorya na Producer of the Year at Rising Producer of the Year.

Binigyang parangal naman ang anim na seasoned actors na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa, at Pen Medina.

Of course marami pang major and special awards na deserving sa parangal!

Mapapanood ang Eddys sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at iWantTFC sa July 27. Presented ito ng Newport World Resorts at ABS-CBN with production by Brightlight Entertainment under Pat-P Daza and directed by Eric Quizon.

Congratulations to SPEEd prexy, our dear editor sa Pang Masa at Pilipino Star NGAYON na si Salve Asis!

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with