Heart, binitbit ang kambal sa endorsement!

Short lang ang caption ni Heart Evangelista sa post niya kasama ang husband na si Senate President Chiz Escudero at mga anak na sina Chesi at Quino, pero may tama sa puso ng mga nakabasa. Lalo na’t animo’y regular family lang sila sa picture.
“They came too. Me growing up with them and them growing up with me (wahh)” ayon sa caption ni Heart.
Pinusuan ang post na ito ni Heart. May natuwa naman na kumpleto ang Escudero family at may pumansin na looking good si Quino, isa sa kambal na anak ng pulitiko. Ang magandang buhok naman ni Chesi ang pinansin ng followers ni Heart.
Sa launching ng isang bagong endorsement ni Heart nangyari ang pagsama-sama ng Escudero family.
Alden, sinagot ng airline!
May sagot na ang Cathay Pacific sa pagko-call out ni Alden Richards sa airline dahil sa nasira niyang Colnago bike. Nabanggit ng aktor sa kanyang call-out ang “Pease do something about this.”
Sagot ng Cathay Pacific, “Please be assured that your concerns are taken seriously. If this incident has already been reported at the airport, kindly refer to your email for our response.”
May nag-react naman na kaya lang mabilis ang aksyon ng Cathay Pacific dahil sikat na celebrity ito, pero kung ordinary citizen lang daw ang nagkaproblema, aabutin ng matagal bago sila sumagot.
Samantala, balik agad sa trabaho si Alden pagbalik from Los Angeles. Hindi uso sa kanya ang jet lag, kaya sumabak agad sa trabaho.
Belle, nabosesan!
Ang ganda ng teaser ng Star Cinema movie na Meet, Greet & Bye kahit boses pa lang ng cast ang maririnig na tumatawag ng “Ma.” Bukod sa boses, photos ng cast na mga bata pa ang ipinakita. May kirot na agad sa puso ang datingan.
Inaabangan na ang susunod na teaser ng movie nina Piolo Pascual, JK Labajo, Joshua Garcia, Belle Mariano at Maricel Soriano ang mga bida. Si Cathy Garcia-Sampana ang director na “soon” ang showing.
Mga comment na aabangan nila ang showing ng movie, na maghanda ng tissue at panyo kapag nanood dahil sigurado raw na iiyak ang sinumang manonood.
May mga nagko-congratulate kay Belle dahil bukod sa magandang pelikula, makakasama pa niya ang mahuhusay na cast at makakatrabaho niya si direk Cathy.
- Latest