Dapat pa bang magbigay ng resignation letter ang tinanggal na empleyado?
Dear Attorney,
Kailangan pa bang magbigay ng resignation letter kung tinanggal ang empleyado? Isa kasi ako sa mga tinanggal ng kompanya namin kamakailan lang dahil kailangan daw magbawas ng trabaho at sinabihan kami na hindi raw makakakuha ng final pay ang hindi magpapasa ng resignation letter. Kung tatanggalin din naman nila ako?, bakit pa ako magbibigay ng resignation letter? —Lorraine
Dear Lorraine,
Hindi na talaga kailangan ang resignation letter kung ang empleyado ay tinanggal ng employer. Ang resignation ay ang boluntaryong pagbibitiw o pag-alis ng isang empleyado mula sa kanyang employer kaya hindi ito kailangan sa mga sitwasyon kung saan ang empleyado ay tinanggal sa trabaho.
Kahit pa sabihing karapat-dapat ang ginagawa nilang pagtatanggal ng empleyado upang makatipid ang kompanya, hindi mo pa rin kailangang magpasa ng resignation letter para sa anumang dahilan dahil nga hindi ka naman boluntaryong nagbitiw sa trabaho.
Kaya mali ang pagpapapasa sa iyo ng resignation letter. Unang-una, hindi lamang final pay ang dapat n’yong matanggap dahil kung totoo ang sinasabing dahilan ng inyong kompanya para sa inyong pagkakatanggal ay kailangang makatanggap din kayo ng separation pay.
Pangalawa, mapa-final pay man o separation pay ay hindi n’yo kailangan na magbigay ng resignation letter para sila ay inyong makuha. Kung ipipilit ng dati mong kompanya ang pagsusumite n’yo ng resignation letter upang makuha ang mga nabanggit ay maari silang maharap sa labor case
- Latest