^

Punto Mo

EDITORYAL- Hustisya, kailangan pang ipaabot sa ICC

Pang-masa
EDITORYAL- Hustisya, kailangan pang ipaabot sa ICC

MABAGAL ang justice system sa Pilipinas kaya kailangan ang tulong ng pandaigdigang korte para matamo ang katarungan sa sinapit na kaapihan at pang-aabuso. Pinatunayan ito ng pagsasampa ng kaso laban kay dating President Rodrigo Duterte sa kasong crime against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Si Duterte ay nasa detention center na ng ICC makaraang arestuhin ng Interpol noong Martes (Marso 11) sa tulong ng Philippine National Police (PNP). Nasa detention center na si Duterte sa ­Scheveningen sa The Hague. Nagkaroon na ng unang hearing si Duterte noong Biyernes. Humarap siya sa mga ­prosecutors via video link. Ipinakilala niya ang sarili. Nagtagal ng 30 minuto ang hearing at itinakda ang susunod na pagdinig sa Setyembre 23, 2025.

Ang pagkakaaresto kay Duterte ay nagdulot ng pag-asa sa mga kaanak ng biktima ng extrajudicial killings (EJKs). Nagkaroon ng liwanag sapagkat matagal na nilang hinahangad ang pagkakamit ng hustisya. Sabi ng mga kaanak ng EJKs victims, abot kamay na ang inaasam nilang hustisya. Ayon sa Philippine National Police (PNP), mahigit 6,000 ang namatay sa madugong war on drugs ng Duterte administration. Ayon naman sa human rights group, maaaring umabot sa 30,000 ang mga biktima ng EJKs.

Sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla noong Agosto 2024, na malalasap na umano ng mga kaanak ng drug war victims ang hustisya. Sinabi ni Remulla na hindi haharangin ng pamahalaan ang arrest warrants na ilalabas ng International Criminal Police Organization (Interpol) kaugnay sa drug war case ng ICC. Sabi ni Remulla, walang dahilan para hadlangan ang paghahain ng warrant ng Interpol. Iginagalang umano niya ang aksiyon ng Interpol.

Nagkatotoo ang mga sinabi ni Remulla sapagkat naihain ang warrant of arrest kay Duterte at nailipad ito sa The Netherlands. Posible ngang makamit ng mga biktima ang katarungan dahil sa pag-usad ng kaso laban kay Duterte.

Kung magkakaroon na nga katuparan ang pagkakamit ng hustisya sa tulong ng ICC, lagi na lang bang ganito ang mangyayari? Sa tuwing magkakaroon ng paglabag at pag-aabuso ang mga pinuno, tatakbo na lang ba lagi sa ICC? Hindi ba maaring paganahin ang batas sa bansa para makamit ang hustisya? ­Kailangan bang humingi ng tulong kung may aarestuhing “malalakas” na tao.

Mabagal ang sistema ng katarungan sa Pilipinas at ito ang dapat pagtuunan ng pamahalaan. Kung may mabilis na justice system, hindi na kailangan ang tulong ng ibang korte gaya ng ICC. Nararapat gumalaw ang hustisya sa bansa.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->