^

Punto Mo

Mayang (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HABANG lumalabas umano ng gate si Manuel ay walang tigil sa pag-iyak si Mam Araceli. Matagal na umanong nakaalis si Manuel ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nang tumigil sa pag-iyak ay nanatili siyang nakatingin sa kawalan. Pakiramdam daw niya, walang laman ang kanyang utak. Wala rin siyang maunawaan sa mga nangyayari sa paligid.

“Sa gayun daw siyang sitwasyon naabutan ng kanyang kapatid na babae. Labis daw nabahala ang kanyang kapatid nang makita siyang luhaan at tila wala sa sarili.

“Pinilit daw siyang tinanong ng kapatid kung ano ang nangyari. Bago siya nagtapat sa kapatid ay ilang beses siyang umiyak.

“Pinagtapat niya ang nangyari. Hindi rin makapaniwala ang kanyang kapatid at nakadama ng awa kay Mam Araceli. Napaiyak din sa sinapit ng kapatid at napoot naman kay Manuel dahil sa ginawa nito. Mula pa noon, alam na ng kapatid ni Mam Araceli ang pag-iibigan nila ni Manuel. Sinabi pa nga raw noon ng kanyang kapatid na masuwerte raw si Mam Araceli dahil si Manuel ang napili. Pero nang malaman nito na hindi na matutuloy ang kasal ng kapatid, suklam na suklam ito kay Manuel.

“Pinayuhan daw si Mam ng kanyang kapatid na kalimutan na ang lahat ng may kinalaman kay Manuel. Marami pa raw lalaki na magkakagusto at maaring nakahihigit pa kay Manuel. Sabi ng kapatid ni Mam, sayang lang daw ang luhang itatapon sa lalaking taksil. Hindi raw dapat iyakan ang lalaking walang kuwenta at sumisira sa usapan.

“Matagal daw bago natanggap ni Mam Araceli ang lahat. Hindi siya makapag-move on. May mga oras na si Manuel pa rin daw ang nasa kanyang isipan. Naaalala raw niya ang mga masasayang sandali nila ni Manuel. ”(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with