Drama actress, hirap na magsalita dahil sa botox
Nagsisisi raw ngayon ang Drama Actress na ito dahil hindi raw maganda ang ginawa niya sa kanyang mukha.
First time raw magpa-botox ang drama actress at hindi na raw ito mauulit pa. Sponsored daw kasi ang botox niya kaya pumayag si Drama Actress. Never pa raw niyang pinagalaw ang mukha at ‘di niya alam ang magiging side effect ng botox sa kanya.
Sey ng aming source: “Para raw ang tigas-tigas ng mukha niya. Nabanat nga ang mga wrinkles niya pero ‘di naman daw niya mabukas nang husto ang bibig niya. E bukod sa teleserye, rumaraket din siya sa mga out of town shows. Hirap daw siyang mag-host kasi nga limitado ang pagbuka ng bibig niya.”
Dinadaan na lang daw ni Drama Actress sa tawa ang lahat kasi nga pumayag siyang magpa-botox. Alam na raw niya ang feeling ng mga obsessed na magmukhang bata. At never na raw niyang uulitin ito.
Kahit na raw may mga linya na siya sa mukha, basta maibuka niya nang maayos ang bibig niya.
Derrick, may inaral sa murder-mystery
Blessed ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio dahil sa character niya iikot ang kuwento ng bagong murder-mystery series na SLAY.
Isang blessing para sa aktor ang bagong proyekto dahil hand-picked pala siya ng GMA at Viu Original para sa role na Zach, isang fitness influencer na misteryosong nasunog at namatay habang live ito sa social media.
“I worked hard. Inaral ko talaga ‘yung role ko and kinausap ko talaga silang lahat. Hinanap ko talaga ‘yung similarities and differences ko with other characters. Mayroon siyang baggage na kine-carry. And, sobrang creepy kung ano ‘yung backstory niya,” sey ni Derrick na ang matuturong may kinalaman sa krimen ay apat na babaeng naugnay sa kanya played by Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega and Julie Anne San Jose.
Kakagaling lang ni Derrick sa bakasyon nito sa Europe kasama ang girlfriend niya, ang Sparkle actress na si Elle Villanueva na huli niyang nakatrabaho sa teleserye na Makilling.
The Rock, nanguna sa Top 10 highest paid
Nilabas ng Forbes Magazine ang list ng Top 10 highest-paid actors in Hollywood. Base ito sa mga naging projects nila on film, be it on the big screen or streaming platform, endorsements, social media presence, business etc.
Nanguna sa list ay si Dwayne “The Rock” Johnson na may net earning na $88 million nung 2024 dahil sa holiday movie na The Red One.
Pangalawa si Ryan Reynolds with $85 million dahil sa hit Marvel film na Deadpool & Wolverine.
Pangatlo si Kevin Hart with $81 million dahil sa kanyang comedy tour na Acting My Age.
Pang-apat si Jerry Seinfeld with $60 million dahil sa comeback film niya na Unfrosted.
At pang-lima si Hugh Jackman with $50 million para sa Deadpool & Wolverine film.
Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina Brad Pitt ($32 million), George Clooney ($31 million), Nicole Kidman ($31 million), Adam Sandler ($26 million) and Will Smith ($26 million).
- Latest