^

Pang Movies

Kathryn gagawing breaker ng PGT!; Belle kakalas ba muna kay Donny, nire-request ni Robbie Jaworski?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kathryn gagawing breaker ng PGT!; Belle kakalas ba muna kay Donny, nire-request ni Robbie Jaworski?

Pasabog ang power judges ng Pilipinas Got Talent season 7 na nagbabalik ngayong Marso!

Inanunsyo kagabi ng ABS-CBN ang bagong set ng judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo.

Sa pananaw ni Eugene, perfect ang grupo nilang kumilatis at isulong ang Filipino talent. “FMG is the authority. I add the fun. Kathryn is the heart. And Donny represents the young generation,” sabi niya.

Isang bagong hamon naman para kay Kathryn ang maging judge ng PGT. “This is another first for me, and I want to experience it. I think it’s a good breaker after doing Hello, Love, Again and before I start with a new project,” sabi niya.

Dream come true naman kay Donny ang maging bahagi ng PGT.  “Pangarap namin ni Robi to do ‘PGT’ together. Dati pa as in MYX days. I’m so glad that they have put so much trust in me, and right now, I’m just gonna try to learn as much as I can,” sey niya.

Masaya naman si FMG sa pagbabalik ng PGT pati sa mga bago at eksplosibong acts ngayong season. “It feels so good because it’s been so long. I’m so excited kasi baka ngayon ko makita ‘yung talent na hinahanap ko,” pagbabahagi niya.

Samantala, magsasanib-pwersa naman ang well-loved hosts at power duo na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros bilang bagong hosts ng PGT.

Bilang hosts ng 7th season ng show, pakikinggan nila ang mga nakakaantig na kwento ng contestants at mamamangha sa bagong at eksplosibong talents na matutunghayan nila kasama ang viewers. 

Bukod sa pagbibigay ng saya sa mga manonood, may kapangyarihan din sila pumili ng kanilang Golden Buzzer act.

Samantala, makakasama rin nila sa show ang Star Magic artists na sina Lorraine Galvez at Wize Estabillo, ang napiling online hosts ng gap show na PGT Exclusives.

Paradise ni Maymay, international ang tunog

Inilunsad na ni Maymay Entrata ang bago niyang dance-pop anthem na tinawag na Paradise. 

Napapanood na rin ang music video nito sa YouTube, tampok ang magkaibang bersyon ng paraiso mula sa dalawang tao.

Ang Songwriter of the Year ng 2025 GRAMMY Awards na si Amy Allen ang sumulat ng kanta, na nakatrabaho na ang mara­ming international artists tulad nina Sabrina Carpenter, Tate McRae, at Olivia Rodrigo.

Tungkol ang Paradise sa journey ng isang tao mula sa pagsubok na isalba ang isang relasyon hanggang sa tuluyang pagbitaw nito at pagpili na mas pahalagahan ang sarili. 

“The first step to enter Paradise is realizing that you’re worthy. This song comes from the bottom of my heart po and I hope it speaks to yours,” ani Maymay sa Instagram.

Si Maymay ang isa sa rising global acts ng ABS-CBN na nasa likod ng viral hit na Amakabogera, na nagwaging Song of the Year sa LionhearTV RAWR Awards at umani na ng higit sa 10 million Spotify streams.

Meron na ring higit sa 27 million YouTube plays ang music video nito. Ilan pa sa pumatok niyang awitin ang Kakayanin Kaya, Puede Ba, at Tsada Mahigugma.

PILIPINAS GOT TALENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->