Carla, abala sa paggawa ng kandila

Ang ganda ng homemade scented candles na gawa ni Carla Abellana at kanyang ibinibenta online via Carousell. May linen cotton scent ang candle na ayon sa aktres, similar sa fresh laundry.
“I work very hard on my candles at home using only safe and premium ingredients like 100% soy wax and high-quality fragrance oil,” sabi ni Carla.
Dalawang klase ito na magkaiba ang presyo. Ang nasa white ceramic vessel with a wooden wick is priced at P650. Ang nasa clear glass with a cotton wick is priced at P850. Ang lalagyan lang ang nagkaiba, ang scent ay pareho, kaya kahit anong bilhin n’yo, ganu’n pa rin ang bango.
Marami agad ang nag-inquire kung paano makaka-order at pati showbiz friends ng aktres, nangako ng suporta sa kanyang binuksang negosyo.
Maaalalang the actress was also into handmade soap making na hit din sa mga netizens dahil magaganda at parang cake ang datingan. ‘Yung ibang bumibili, hindi ginamit ang sabon at dinesplay na lang dahil nanghihinayang.
Samantala, any day now, lilipad si Carla for Japan dahil doon niya balak magbakasyon pagkatapos ng Widows’ War. Magpapahinga muna ang aktres bago muling sumabak sa trabaho.
Basher ni xian, supalpal kay Iris
Inaway si Iris Lee ng isang basher sa post niyang “First flight with Capt. @xianlimm.”
Comment ng basher, “Capt. Bobo ka ba? Dalawang stripes pa lang yan jowa mong ugok. Madami pang kakaining bigas yan bago maging kapitan. Which seems impossible.”
Hindi updated ang basher at hindi alam na may private pilot license na ang aktor. Na-share pa nga ni Xian ang good news sa Instagram tungkol dito, “It’s official! PRIVATE PILOT. Still in the clouds from everything that happened.”
Nabanggit ni Xian na three flights a day ang kanyang schedule, kaya iyak na lang ang basher dahil totohanin na ang pagiging pilot ni Xian dahil nag-aral siya.
- Latest