Zanjoe, twinning ang birthmark sa anak!
Ang cute naman ng mag-ama ni Ria Atayde na si Zanjoe Marudo at baby boy nila na may parehong-pareho na birthmark.
Ipinost ng anak ni Sylvia Sanchez ang litrato ng mister at ng baby nila kung saan makikita ang braso ng dalawa na may parehong birthmark. May caption itong “Twinning” na ni-repost din ng aktor at sinabing “Trademark.”
Hindi nga raw maipagkakailang mag-ama ang dalawa ayon sa netizens.
Namamana raw pala talaga ang ganito na nasa parehong spot din na maraming parents ang naka-relate na namana rin daw ng anak nila ang kanilang balat o nunal.
May nagsabi naman na hindi raw sana ipinakita ni Ria ang birthmark ng anak para sa kanilang privacy at baka gayahin pa raw at sabihing anak nila ito.
Speaking of privacy, hindi pa pinapakita ng mag-asawa ang mukha ng baby nila na mukha raw nagmana sa kulay ng mommy niya na mestizo rin. Bongga.
Troy, nawasak ang race car!
Naaksidente ang mister ni Aubrey Miles na si Troy Montero habang nasa racetrack ito at minamaneho ang kanyang race car.
Nawasak ang kanyang race car pero ligtas naman daw siya.
“I had a pretty big crash this morning…
“I’m OK, I got the wind knocked out of me but my car is not in good shape,” bahagi ng post niya.
Himala raw kung makakaabot ang pag-ayos sa kanyang sasakyan sa race niya ng araw na iyon. Hindi raw siya sigurado pero susubukan daw ng kanyang team ang makakaya nila.
Marami naman ang nag-alala sa kanya at sinabing mabuti na lamang at walang masamang nangyari sa kanya.
Mabuti na lang din daw at nasa racetrack ito dahil kahit papaano ay kontrolado ito. Sey nga ng netizen ay sponsored event naman iyon kaya huwag mag-alala sa nawasak na sasakyan. Habang ang iba naman ay sinabing sana mag-ingat ito dahil may pamilya pa itong uuwian.
- Latest