^

Pang Movies

Nag-split na lang daw... pelikula nina Javi at Sue, ‘di na naipalabas!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nag-split na lang daw... pelikula nina Javi at Sue, ‘di na naipalabas!
Sue Ramirez at Javi Benitez

Ang followers na mismo ni Victorias Mayor Javi Benitez ang sumasagot na (diumano’y) hiwalay na sila ni Sue Ramirez.

Hinahanap nga kay Mayor Javi ang Kapamilya actress lalo na nung nag-file ng certificate of candidacy (COC) ang anak ni Bacolod Mayor Albee Benitez.

Ang mommy ni Javi ang kasama niya sa filing ng COC.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang diumano’y maghiwalay sina Javi and Sue.

Pero pareho silang hindi nagsalita tungkol dito.

Maraming followers nila ang nanghihinayang dahil limang taon din pala sila.

This election ay hindi mayor ang tatakbuhan ni Javi, idineklara ng mayor ng Victorias City, Negros Occidental, ang kanyang bid para sa ikatlong congressional district ng lalawigan.

Naging ex din ni Mayor ang anak ni senatoriable Chavit Singson and former beauty queen Miss World Philippines 2017 Katarina Rodriguez.

Graduate ang dating Kapamilya actor ng political science and computer science courses sa Santa Clara University in California.

Bago naging ex, naging leading lady ni Javi sa suppo­sedly ay launching movie niyang Kid Alpha One si Sue.

Sadly, diumano’y split na sila pero hindi pa rin napalabas ang Kid Alpha One na dinirek ni Richard Somes. Anyare kaya sa pelikulang ‘yun?

DTI, ilalako na ang pelikulang Pilipino sa ibang bansa

Ilalako na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pelikulang Tagalog sa ibang bansa upang matulungan ang local entertainment industry.

Ito ang bagong dagdag sa pinamumunuang ahensiya ni Sec. Cris Roque.

Inilabas nga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 70 noong Oktubre 2 upang tulungan ang pag-unlad ng industriya ng pelikulang Pilipino at ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Ang EO, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay ipinatutupad na.

Sa pagkakaroon ng EO, ang FAP ay ilalagay sa ilalim ng administrative supervision ng Department of Trade and Industry (DTI). Dati itong nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Education (DepEd).

“That’s, I think, the main reason why they transferred to the Department of Trade. Kasi ang main mandate ko ngayon is really income generating, income and trade. Hindi siya is just making products but actually selling and converting them to pesos, to money,” bungad ni Sec. Roque nang maka-lunch namin siya last Saturday.

Inaayos na raw nila ngayon sa stakeholders ang mga magiging proseso nito.

“Of course, the reason for the transfer is really for them to be able to generate more income; here locally and also globally. The film industry and the creative people within it are already well-known worldwide. So yeah, ‘yun ang isa natin that we can export also, and we can let the people know how good we really are in that category,” paliwanag pa ni Sec. Roque.

Planado na ang gagawin niyang pagdadala ng mga produkto ng ating mga filmmaker sa international market sa mas malawak na paraan.

“For me, is to be able to find more avenues so that we can show our film locally and globally. Kasi, the film is already made. The movie is already made, so all we need to do is, let’s say, generate this amount of money. How do we double it?

“Or how do we increase it by 50% is to find avenues where they can sell or more marketing para mas makilala ‘yung movie and also to be able to promote it globally also. Because there’s a lot of Filipinos that are also wanting to watch these kinds of movies. ‘Yun nga lang wala silang access. So now that they’re part of the DTI, when we go abroad to promote investments and foreign trade as well as the products of the MSME (micro, small and medium enterprises), we can also carry the local films. And I also carry the creative industry, like twice since I sat in the office, which was two months ago. I already brought ‘yung arts industry, ‘yung mga painter. One to Tokyo and another one next week to Australia, Sydney. So, we also want the global world to know that the Filipinos have so much to offer, which is the creative industry. Ang dami nang sikat eh, let’s say sa fashion; there’s already Michael Cinco that we must also look at, and so many others that are monikers here that’s also very popular overseas.

“So I’m sure naghahanap din ang Filipinos overseas ng mga sariling atin na mga pelikula. So this is one thing that we want to market also. So when we go abroad, bitbit na namin lahat ng produkto ng Pilipino including the film industry,” mahabang pahayag pa ni Sec. Roque sa kanyang mga plano.

Kaya naman this week daw ay makikipag-usap na siya sa mga taga-movie industry, particularly sa pinamumunuang ahensiya ni Direk Joey Reyes, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Kagagaling lang ng grupo ni Pangulong Marcos sa Laos, sa ASEAN Meeting. “Because this was an ASEAN meeting. So it’s a meeting among leaders, and then we also get to know how they do their practice and how we do our practice, also comparing notes in establishing trade. Not just trade ‘no. Of course, sa akin kasi trade, but trade and other sectors to all the countries of ASEAN.”

At sa susunod daw nilang biyahe ng Pangulo at ibang cabinet secretaries, dala na nila ang mga pelikulang ibebenta sa ibang bansa.

At possible na sa Australia ang unang destination nila na bitbit ang local films.

Dagdag na impormasyon niya: “I’m supposed to go to Australia soon, so I have to talk to Joey Reyes so we’ll be able to discuss with him what films we can include because in every country, especially in every embassy or DTI office, we have what we call the FTSC, Foreign Trade Service Corps, and what they do is entertain business people from that particular country or they also do business matching.

“So, we can also do business matching for film. We do it for foreign investment. We also do it for foreign investors. We also do it for products—for the small and medium enterprises. And now, the creative industry, which we started with the arts and then soon after also the film. And then, like the arts, what we do now is do the showcase in the embassy or in the DTI office. And then after that, we already assign a local, or, let’s say, in Syney, a local gallery, where they leave the artwork there para makilala. Kasi ‘pag may show 3-4 days; we cannot invite everyone, eh,” paglalahad pa ng very humble na secretary ng DTI sa amin.

Inaayos din nila ang magiging criteria ng mga pelikulang ibebenta sa ibang bansa kaya’t kailangan din niyang makipag-usap sa namumuno sa FDCP.

“Kasi ‘yung mga trade show, we already invited foreign buyers, big buyers. So nagti-triple na ‘yung benta nila. So we also hope to do that for the filmma­kers,” pagdidiin pa ni Sec. Cris na kitang-kita ang pagiging agresibo sa kanyang trabaho upang palakihan ang kita ng ating mga producer at kahit papaano ay makasabay sa mga pelikula ng ibang bansa tulad halimbawa ng South Korea na kilalang-kilala na sa buong mundo.

Ang gandang balita nito sa movie industry.

SUE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with