^

Pang Movies

Carla, nahihirapan sa kanyang ‘sakit’!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Carla, nahihirapan sa kanyang �sakit�!
Carla Abellana

“Last night i was able to sleep for 3 hours straight. THANK YOU, Lord,” ang last post ni Carla Abellana kahapon.

Maraming nag-worry sa actress nang mag-post siya the other day ng “Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort.”

Wala siyang binanggit kung anong sakit niya pero naka-dextose at nasa hospital bed siya sa dalawang post niya.

May tinanungan ako kahapon sa management group ni Carla na Triple A kung anong nangyari sa actress pero as of this writing ay wala pa silang sagot.

Un/Happy, kumita ng P200 million

Hindi masyadong umabot sa second week ang lakas ng pelikulang Un/Happy For You.

Nung Wednesday ay bawas na ang pila nito sa Trinoma.

Tuwing Wednesday ang palitan ng sine.

Malakas ang first few days ng pelikula nina Joshua Garcia and Julia Barretto.

Pero umabot na pala sa P200 million as of Aug. 22 ang kinita ng comeback movie nina JoshLia na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

At sa ikalawa nitong linggo, kasalukuyan pang napapanood ang pelikula sa mahigit 350 na sinehan sa Luzon, Visayas, at Mindanao habang nakatakda rin itong ipalabas ngayong buwan abroad sa USA, Canada, Australia, New Zealand, Italy, Malta, UAE, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Saipan, Cambodia, at iba pa.

So far, ito ang kauna-unahang local film na sumampa sa ganung box-office record.

Barbie, makikipag-bakbakan kay Coco!

Si Barbie Imperial na nga ba ang lucky charm sa pagyaman ni Tanggol (Coco Martin)? Maaaring mag-iba ang kapalaran ni Tanggol sa pagpasok ng karakter ni Barbie sa hit action seryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Excited si Barbie sa kanyang pagganap sa bagong karakter na si Tisay, isang singer at suggalera na maaaring magdala ng swerte o patung-patong na kamalasan sa buhay ni Tanggol.

“I am very grateful and thankful to the whole staff of Batang Quiapo’especially kay direk Coco dahil ako ang napili nila na mag-play ng role ni Tisay,” sabi niya.

Handa na rin sa bakbakan si Barbie kung sakaling may ipapagawang actions scenes para sa kanyang role.

“I tried muay thai and boxing para lang ready ako if ever may pagawing action scene sa akin si direk Coco. ‘Yun [action] talaga ‘yung genre na gusto kong ma-try because I’ve never done it before. I’m very excited,” dagdag niya.

Sa kasalukuyang kwento ng FPJ’s Batang Quia­po, mukhang magkakatotoo na ang pagyaman ni Tanggol matapos niyang mag-uwi ng milyun-milyong halaga ng pera nang talunin si Tisay sa pagsusugal.

Si Tisay na ba ang susi sa pagtuluy-tuloy na pag­yaman ni Tanggol o may dala rin siyang  panganib sa buhay ni Tanggol?

Samantala, nananatiling tahimik si Barbie sa sinasabing relasyon diumano nila ni Richard Gutierrez.

Mapapanood ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo,  na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Ogie, ginawan ng fake news sa ibang Regine

Nagpatulong si Ogie Alcasid na i-report ng isang fake news spreader na ikinakalat na ipinaaasikaso na raw nila ng misis niyang si Regine Velasquez ang divorce dahil sa pagtataksil.

Nag-share siya ng nasabing reel ng isang Facebook account na as if totoo ang kuwento tungkol sa kanilang mag-asawa.

“This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito,” bahagi ni Ogie sa Threads kung saan nga andun ang video na ginamit ng content creator na galit na galit daw si Regine dahil sa ginawang kalokohan ni Ogie. Ginamit pa ng content creator na malabo na raw magkapatawaran ang mag-asawa.

Isang malaking fake news ang chika ng nasabing content creator na siyempre ay more than a million na ang views.

Ba’t kaya nato-tolerate itong mga ganitong account samantalang, super fake ang mga chika?

Grabe ang raket ng fake account ngayon.

Ang dami kasi ngayong content creator kuno na pinasisikat ng ibang legit media.

Ilang beses na ring naging biktima si Ogie ng fake news sa social media and so far ay pinakamalala ito. Naging basehan daw ng isyung ito ang ginawa ni Regine Tolentino kay Ogie nang mag-guest ito sa It’s Showtime. Nakipag-dirty dancing daw kasi si Ogie kay Regine Tolentino na kumalat din ang video.

 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with