^

Pang Movies

Sen. Robin, pinupuna ang grabeng pamumulitika!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sen. Robin, pinupuna ang grabeng pamumulitika!
Robin

Parang sumasama pa ang image ni Senador Robin Padilla dahil sa nangyaring pagsama niya sa dalawang iba pang senador para “diumano ay ipagtanggol lamang si Pastor Apollo Quiboloy na ngayon ay nagtatago at wanted ng batas.”

Nakakalungkot para sa mga taga-showbiz na ganyan ang kinalabasan ng image ni Robin Padilla.

Gumanda na ang image ng mga artistang pumasok sa pulitika, dahil sa magandang halimbawang ginawa ni Vilma Santos sa lalawigan ng Batangas, at ganoon din sina Richard Gomez at Lucy Torres sa Ormoc at kahit na ang sandaling panunungkulan ni Yorme Isko Moreno sa Maynila.

Pero ngayon sumasama ang image ni Robin dahil sa kanyang labis na pamumulitika.

Sandro, hinuhulaan na ang kapalaran

Sinasabi ng abogado nina Jojo Nones at Richard Cruz na si Atty. Maggie Abraham Garduque na kikilos siya para ma-dismiss ang reklamong isinampa ni Sandro Muhlach laban sa kanyang mga kliyente. Sinabi niyang ang reklamo na sasagutin naman nila sa loob ng limang araw gaya ng itinakda sa imbestigasyon ng GMA Network ay hindi nakabatay sa ebidensiya.

Isa sa mga unang punto ni Garduque, mapapatunayan daw niyang hindi totoong niyaya ng dalawang suspect ang biktima sa kanilang hotel room, kundi mapapatunayan nila sa isang text message na ipinadala ni Sandro noong gabing iyon kay Nones na hindi siya niyaya kundi siya ang sumunod sa hotel room ng dalawa.

Inilabas niya ang nilalaman ng text message ni Sandro na nagsasabing, “Andyan pa ba kayo sir? Baka po pwede dumaan saglit haha.”

Katunayan diumano iyan na mali ang sinasabing tinangay ang talent sa kuwarto kundi siya mismo ang nagtungo roon.

Sinabi pa ni Garduque na marami silang ihaharap na katunayan na hindi pinagsamantalahan ng dalawang supect si Sandro.

Sinabi pa niyang nakahanda silang humarap hindi lamang sa imbestigas­yon ng GMA kundi maging sa pagdinig sa hukuman.

Wala pang reaksiyon ang pamilya Muhlach sa bagong pahayag na iyan ng abogado ng mga suspect sa kaso.

May natatakot na baka sa ginawang reklamo ni Sandro ay magaya siya sa ibang nagreklamo rin na naabuso unti-unting nawalan ng show sa network hanggang sa tuluyan na ngang umalis tulad ni Gerald Santos.

Ganoon din ang nangyari sa kaso ni Mike Tan matapos niyang ireklamo ang isang bading na director ng pang-aabuso matapos siyang hipuan noon habang nagpapahinga sa set.

Pero kung ano man ang kalabasan ng imbestigasyong iyan hindi natin alam. Sana naman manaig ang hustisya.

Direk Joey, tinawag na drama queen ang nanay ni Carlos

Maging ang director General ng Film Development Council of the Philippines na si director Joey Reyes ay hindi napigilan ang kanyang sarili sa pagsasabing huwag nang pansinin ang mga reklamo ng nanay ni Carlos Yulo.

Nagkaroon ng hindi magagandang usapan sa pagitan ng mag-ina dahil sa hindi nila pagkakasundo kung ano ang dapat gawin at kung saan dapat na ilagay ang pera ni Carlos na naipon niya through the years.

Sabi pa niya, “So please don’t give media space to a drama queen mother who wants to tarnish the moment of GLORY of HER OWN SON regardless of personal reason.”

Tama si direk Joey, ang pinakamaganda nga nating magagawa tutal wala naman tayong pakialam sa pinag-aawayan nila dahil pera nila iyon. Huwag na nating pansinin at huwag nang palakihin pa sa media.

Poging foreigner, pinagpasasaan ng milyonaryong bading!

May tsismis pinagpasasaan daw ng isang milyonaryong bading ang isang poging dayuhang social media sex symbol na dumalaw sa bansa kamakailan lang. Pinatira niya iyon sa isang five-star hotel binayaran niya ang lahat ng gastos sa pamamasyal, pati na ang pagsusugal sa casino at siyempre ang kapalit ay alam na ninyo.

Malinis nga naman ang pagkakagawa, hindi siya maaakusahan na ni-rape niya iyon. Binayaran niya, oo siyempre dahil gusto niya ng foreigner na napaka-pogi pa. Talagang pagpapawisan ka ng dugo at tubig sa halagang kailangan mong ibayad eh dahil milyonaryo naman siya at maraming pera, problema na niya iyon.

Mga ilang araw pa ay aalis na ang lalaki at babalik na sa kanyang bayan pero ang sinasabi raw ng mayamang bading, “sulit na sulit naman ang gastos ko.”

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with