^

Pang Movies

Mga akusado kay Sandro, may pasabog sa NBI

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mga akusado kay Sandro, may pasabog sa NBI
Sandro Muhlach
Sandro Muhlach via Instagram

Nakatakdang ipatawag sa araw na ito ng Martes, August 6, ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang `independent contractor’ writers ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz na may kinalaman sa reklamong inihain ng Sparkle young actor na si Sandro Muhlach, panganay na anak ng actor at dating child wonder at entrepreneur na si Niño Muhlach.

?Bukod sa imbestigasyon ng NBI maging ng GMA, nakatakda ring magkaroon din ito ng senate inquiry napangungunahan ni Sen. Robin Padilla.

?Samantala, tiyak na masaya ang actor na si Mark Anthony Fernandez dahil natabunan ang kanyang sex scandal video ng kaso ni Sandro laban sa dalawang IC at sa magkasunod na pagpanaw ng mag-asawang Father Remy at industry icon na si Mother Lily Monteverde.

Alma, kauna-unahang regal baby

Patuloy na nagluluksa ngayon ang industriya ng pelikulang Pilipino sa magkasunod na pagpanaw ng mag-asawang Father Remy Monteverde at Mother Lily Monteverde na anim na araw lamang ang pagitan.?

?Hindi naging madali ang lahat para sa mga anak nina Father Remy at Mother Lily na sina Winston, Meme, Roselle, Dondon, at Goldwin ang magkasunod na pagpanaw ng kanilang parents, ma­ging sa kanilang children in laws at mga apo at apo sa tuhod.

?Regal Entertainment is never the same without Mother Lily na siyang founder ng kumpanya na nagsimula sa pagdi-distribute ng foreign films. Taong 1974 naman nang magsimula siyang mag-produce ng pelikula, isang sexy movie na tinampukan nina Elizabeth Oropesa, Gina Pareno, at ng mga yumaong actors na sina Ronaldo Valdez, at Orestes Ojeda. Ang nasabing pelikula ay naging malakingtagumpay sa takilya na nasundan ng iba pa hanggang mag-desisyon ang Regal matriarch na ipagpatuloy na ang pagpu-produce ng pelikula.

?Si Alma Moreno ang kauna-unahang Regal baby na kinontrata ng Regal Films pa noon and was made into a popular sexy star. Nariyan din sina Lorna Tolentino, Rio Locsin, at iba pa.

?Kung pawang sexy movies ang pinuproduce ng Regal nung dekada sitenta, unti-unti nag-produce ng mga wholesome movies ang film company nang dumating ang mga young Regal babies nung decadaotsenta sa pamamagitan nina Maricel Soriano, Snooky Serna, William Martinez, Gabby Concepcion, the late Alfie Anido, Dina Bonnevie, Janice de Belen, Richard Gomez, Ruffa Gutierrez, at marami pang iba.

?Bukod sa mga youth-oriented movies, nag-produce din noon ang Regal Films (now Regal Entertainment) ng iba’t ibang genre tulad ng ng horror, action, suspense-thriller, and romance movies.

?Nakapag-produce rin ang Regal ng maraming klasiko at award-winning movies tulad ng “Scorpio Nights,” “Sister Stella L,” “Relasyon,” “Broken Marriage,” “Pahiram ng Isang Umaga,” maging ang franchise ng “Shake, Rattle & Roll”, at “Mano Po” at iba pa.

?Mother Lily was well-loved in the industry at siya lamang noon ang film producer na gawa nang gawa ng pelikula kahit marami sa mga ito ay hindi kumikita sa takilya.

Bukod sa pagpu-produce ng pelikula, Mother Lily’s film production ventured into television at nakipag-alyansa siya sa iba’t ibang TV networks tuladng ABS-CBN, GMA, TV5, IBC-13, at RPN-9 via her own Regal Television.

?Sina Father Remy at Mother Lily ay nagsimula sa isang popcorn stand sa may Podmon Theater na LRT-2 station na ngayon ng Claro M. Recto sa Maynila.  Ang nasabi ring lugar ang nagsilbing head office noon ng Regal bago lumipat sa may Valencia St. in Quezon City and eventually sa Tycoon Center in Origas, Pasig City.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay na iniwan ng mag-asawang Father Remy at Mother Lily Monteverde.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with