^

Pang Movies

Coco, naghahanda na sa pag-amin nila ni Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco, naghahanda na sa pag-amin nila ni Julia
Coco at Julia

Sa gitna ng controversy ngayon tungkol kina Coco Martin at Julia Montes, tila mas nagiging strong pa ang relasyon ng dalawa base na rin sa sunud-sunod na post ng aktor.

Ilang araw nang panay ang post ni Coco ng sweet photos nila ni Julia na kuha mula sa kanilang travel abroad.

Ang caption lang na inilalagay niya ay red heart emoji at ang naka-tag na name ni Julia.

At nagsimula ang mga posting ni Coco simula nang madulas si Willie Revillame na binati ang mga anak diumano nila ni Julia.

Wala pang pahayag sina Coco and Julia tungkol dito pero sa kanyang posts ay tila ipinakikita ng aktor na hindi sila apektado at getting stronger pa rin sila sa kabila ng mga ingay.

Sa comment section ay naniniwala ang netizens na preparasyon na marahil ang posts ni Coco ng kanilang pag-amin tungkol sa matagal na ngang tsismis na may anak sila.

Well, the fact na hindi nila ito idine-deny noon pa, masasabi na nga naming pag-amin na lang ang kulang.

Vice, nilabas ang panot para sa may alopecia!

Bilang suporta sa isang contestant ng EXpecially for You, nagtanggal si Vice Ganda ng kanyang wig on national television sa live episode ng It’s Showtime kahapon.

Sa nasabing segment ay ikinuwento ng contestant na si April ang kanyang struggle dahil sa kanyang alopecia.

Ayon sa isang health website, “Alopecia means hair loss, which can be from a single area or several areas of your head and body.”

Noon pa’y naging open naman si Vice about her falling hair at gumagamit siya talaga ng iba’t ibang wigs para matakpan ito.

Kaya naman nang marinig niya ang touching story ni April, bilang pakikiisa ay sinimulang tanggalin ni Vice ang suot na wig.

“Hindi ako nangingimi, kung makakatulong ito para makakuha ng katiting na kumpiyansa si April, why not?”  sey niya.

“Ang tagal na panahon, takot na takot ako dito, ‘pag magpapakita nang walang wig. Nasa punto na ako ng ‘hay, wala akong paki.’ Mayroon nang taong mahal na mahal ako kahit wala akong wig,” patuloy niya.

Of course, ang tinutukoy niyang taong nagmamahal sa kanya ay ang dyowang si Ion Perez.

“Hindi na rin ako affected sa mga pangit na pangit sa akin kapag wala akong wig,” sambit pa niya.

“May wig o wala may nagmamahal dito, no! May wig o wala may tumatanggap dito. Bukod kay Ion, mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko. May wig o wala mahal ako ng pamilya ko, mahal ako ni Lord,” she said.

At this point ay tuluyan na nga niyang natanggal ang kanyang wig at nagpalakpakan naman ang kanyang co-hosts.

Naging emosyonal si Vice Ganda nang yakapin siya ni April. At nahawa na rin ang iba’t nag-iyakan na rin.

“‘Wag kang magmadali. In your time,” payo pa ni Vice kay April.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with