^

Pang Movies

Sandro, nanghingi ng tulong kay Sto. Niño

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sandro, nanghingi ng tulong kay Sto. Niño
Sandro

Nakita namin ang Instagram Stories ni Sandro Muhlach na nagpunta pala siya ng Cebu.

Makikita sa isang larawan na ipinost niya na nagsimba siya sa isa sa sikat na simbahan ng Cebu, ang Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.

In one photo ay nasa Magellan’s Cross Pavilion siya kasama ang ilang locals doon at caption niya, “thank you for the prayers po.”

Tila kasama rin niya ang kanyang pamilya sa Cebu dahil nang tingnan namin ang Facebook page ng ama niyang si Niño Muhlach ay may post siya na ipino-promote ang opening ng negosyo niyang Muhlach Ensaymada sa SM mall ng naturang syudad.

Anyway, nakakatuwang makita na sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ay tuloy pa rin ang buhay para kay Sandro.

Hopefully ay mag-heal na siya nang tuluyan at makabalik na sa normal na pamumuhay.

Kyle, may sagot sa kanila ni Andrea!

Ayon kay Kyle Echarri, gusto niya ang nakikitang independence ng dating ka-loveteam na si Andrea Brillantes.

Sa panayam ni MJ Marfori, ayon sa aktor ay masaya raw siya for Andrea na nag-e-enjoy sa buhay nito ngayon.

 Dagdag pa niya, proud daw siya sa nakikitang Andrea ngayon.

Tulad ng ibang magka-loveteam ay palagi ring natsitsismis na magdyowa sina Kyle at Blythe kahit ilang beses na nila itong sinagot.

Asked kung ano ang napi-feel niya kapag la­ging tinatanong sa kanya si Blythe, sagot ni Kyle, “hindi naman po maiwasan, aminado naman po kami, marami namang mga KyleDrea fans talaga. So, a lot of people are watching our lives, whether be separate, whether be together.”

Naging bahagi raw ang isa’t isa ng buhay nila kaya naman hindi raw siya naiinis kapag tinatanong sa kanya kung sila ba ni Blythe.

“We’ve been part of each other’s lives for a long time, so never siyang naging problema sa ‘kin dahil tinatanong ako kung magdyowa kami ni Andrea,” saad pa niya.

Giit pa niya, “sobrang friends lang po talaga kami.”

Nang matanong kung may time ba siya para sa kanyang personal life or para makipag-date, sey ni Kyle ay medyo wala nga.

 Ever since ay hindi raw ito ang priority niya at ayaw daw niyang masaktan ang girl na wala siyang oras na maibibigay.

“Para sa akin kasi, I don’t want to put myself in a position na baka masaktan lang kasi ‘yung babae kasi wala akong oras para sa kanya kasi wala rin naman akong oras sa sarili ko,” katwiran ni Kyle.

Corny man daw pakinggan, pero hindi raw niya alam kung kailan siya magiging ready na magkadyowa. At honest naman daw siya na sabihing hindi pa niya kayang maibigay ang lahat ng gusto niyang ibigay sa isang babae kaya hindi pa siya pumapasok sa isang relasyon.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with