^

Pang Movies

Sunshine, kinabog ang ibang kasabay sa pagrampa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, kinabog ang ibang kasabay sa pagrampa
Sunshine

Trending ang kaseksihan ni Sunshine Cruz sa fashion week show ng isang garment manufacturer.

Iyon naman talaga ang kaibahan ni Sunshine sa maraming mga kasabayan niya. Hindi tumanda ang kanyang hitsura at lalo pa ngang naging sexy dahil mas naasikaso na niya ang sarili kahit mga inaasikasong mga anak.

Aware ang actress na basta artista ka, may obligasyon kang laging ilagay sa ayos ang sarili mo.

Kaya bongga ang rampa niya, hindi lang dahil maganda siya kundi dahil nasa ayos lagi ang kilos niya at hindi nadadawit sa anumang mga intriga.

Bukod pa sa natalbugan niya ang ibang mas batang rumampa sa nasabing fashion show.

Teejay, natakot mag-all the way!

Naging mapangahas ang male star na si Teejay Marquez na nagsuot ng sexy thongs sa nasabing show. Pero ibinaba lamang niya ang baywang ng suot niyang pantalon.

Sinasabi tuloy ng mga nakapanood na “he failed by comparison” sa ginawa ni Wendell Ramos na nagsuot din ng thongs sa fashion week show ilang taon na ang nakararaan. Mas daring kasi si Wendell dahil nang magsuot siya ng thongs, hindi siya nagpantalon. Si Teejay napansin pero hindi halos napag-usapan.

Siguro kaya medyo pigil pa ang pagpapa-sexy ni Teejay ay dahil iniisip niya ang kanyang film at television career. Siguro iniisip din niya ang kanyang career sa Indonesia, kung saan wholesome ang kanyang image, na maari niyang balikan ano mang oras kung hindi maganda ang takbo ng career niya sa Pilipinas.

Luis, bet ni Caloy sa kanyang biopic!

Sinabi ni Carlos Yulo na kung sakali raw at isasalin sa pelikula ang kanyang buhay, gusto niyang si Luis Manzano ang gumanap ng papel niya. Fan pala ni Luis si Carlos noon pa.

Hindi naman malayong may isang film producer ang makaisip ngang gawing pelikula ang buhay ng double Olympic gold medalist pero siguro napakaaga pa para isipin iyan sa ngayon.

Marami ang nagsasabing mas magiging makulay ang kuwento ng buhay ni Carlos kaysa kay Manny Pacquiao. Kasi si Pacman naging world champion din pero ang pagiging boxer ay kanyang propesyon, pinagkakitaan niya iyon.

Si Carlos naging world champion sa kanyang sports at nakapag-uwi pa ng dalawang gintong medalya mula sa Olympics bilang isang amateur athlete na lumaban para sa karangalan ng bayan.

Aktor, pinag-iipunan ang inaambisyong male model!

May panahon palang tumambay ang isang male starlet sa isang hotel na may malaking casino. Hindi naman siya nagsusugal sa casino, ang totoo ini-spot-an niya ang isang poging foreign model na my sinalihang isang poker tournament sa Casino.

Type yata niya ang foreign model na pogi naman talaga. At ang sabi raw ng male star baka naghahanap ng ka-collab ng male model para sa kanyang mga digital content eh available at willing siya.

Pero wala raw nangyari sa ambisyon ng male star na makilala man lang nang personal ang male model na pantasya rin niya

Naunahan daw siya.

Kaya dapat may ipon muna siyang maraming datung para masabayan kung may darating na namang milyonaryo na bading at makikipag-usap sa foreign male model.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with