^

Pang Movies

Sarah, kumasa na sa MAYB

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah, kumasa na sa MAYB
Sarah Geronimo

Finally ay nagawa na ni Sarah Geronimo herself ang sikat na sikat ngayong Maybe This Time dance craze na pinauso ng TikTokerist na si Ralp Xyriel Villaruz.

As we all know ay cover ni Sarah ng nasabing awitin ang ginamit na tugtog ng TikTokerist sa kanyang sayaw na ipinost sa TikTok last July. Nag-trending ito  at napakaraming netizens and celebrities ang gumawa na ng nasabing dance challenge.

Pinangunahan ni Sarah G. ang Grandest Tuna Festival concert na ginanap sa Gen. Santos City last Sept. 1 at dito ay kinanta niya ang Maybe This Time. Pagdating sa “bridge” ng song ay sinayaw ni Sarah mismo ang viral dance challenge.

Inulit pa niya ito after the song, pinaulit niya ang bridge at muli niyang sinayaw.

Mabilis na nag-viral sa social media ang video ng pagsasayaw ni Sarah ng sarili niyang dance trend. Ilang oras pa lamang ay million na agad ang views nito sa fan page ni Popstar sa TikTok.

Ang isa pang nakakatuwang eksena sa video ay ang paglabas sa stage ng mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli at sinabayan niya ang asawa sa pagsasayaw.

Jak, pinabongga ang bahay na pinagagawa

Ang bongga naman pala ng ipinapagawang bahay ni Jak Roberto sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Ipinasilip ng aktor sa kanyang latest Instagram post ang façade ng ginagawang bahay at makikita ngang nasa halfway na ito.

Nasa halfway na pala ang ipinapagawang dream house ni Jak Roberto. Ipinasilip ito ng aktor sa kanyang latest Instagram post na pinusuan ng kanyang followers.

Sa larawang ibinahagi ni Jak ay makikitang dalawang palapag ang bahay na kahit hindi pa tapos ay alam mong super-bongga.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with