^

Pang Movies

Kim, binuking na pinagpalit!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, binuking na pinagpalit!
Kim Chiu

Kinaaliwan na naman ang mga naging pahayag ni Kim Chiu sa segment na EXpecially For You ng It’s Showtime.

Dito talaga sa segment na ito laging nagte-trending ang aktres since palibhasa nga ay tungkol ito sa pag-ibig at bawat sabihin niya ay talagang napapansin ng netizens pati na ang mga pangangantyaw sa kanya ng co-hosts sa pangunguna ni Vice Ganda.

Nito ngang recent episode ay may mga nasabi na naman si Kimmy sa isang participant na ipinagpalit siya ng boyfriend sa basketball.

Aniya, “minsan kasi mapapaisip ka rin talaga, eh. Na mas maganda, ‘yung dahilan ng paghiwalay n’yo ay babae o tao. Hindi, eh. Laro. ‘Yung, ‘bakit ganun? Hindi ba ako kasing saya ng isang ‘yan?’”

Tanong naman ni Vice Ganda kay Kim, “pero kung ikaw mapupunta sa dalawang sitwasyon na puwede ka mamili. Saan mo pipiliin na ipagpalit ka sana, sa laro o sa tao?”

Mabilis na sagot ng aktres, “sa tao! Para may panggalitan talaga ako. Para, makita ko talaga kung ano nangyayari sa kaniya. ‘Yung laro kasi, hindi, eh.”

Kantyaw ni Vice kay Chinita Princess, “be careful what you wish for.”

Sambit naman ni Kimmy, “nangyari! Charot!”

Aniya pa, “mahirap kasi ‘yung sa laro ka ipinagpalit. Sa isang bagay na hindi naman nakakapagsalita.”

Hiwalayan nina Rico at Maris, maraming ispekulasyon!

Dahil medyo malabo ang paliwanag ni Maris Racal sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Rico Blanco, kung anu-ano tuloy ispekulasyon ang lumalabas ngayon na cause ng hiwalayan nila.

May nagsasabing may third party, may nagsasabi rin namang mas pinili raw ni Maris ang kanyang career over Rico.

Ang latest speculation ay inalok daw ng kasal ni Rico si Maris pero nag-no raw ito base sa post ng tinaguriang Pambansang Marites na si Christian Albert “Xian” Gaza.

Post ni Xian sa kanyang Facebook account, “nag-propose pala si Rico tapos nag-NO si Maris atin-atin na lang sana huwag na lang makakalabas salamat.”

May nagtanong kung gaano ito katotoo at sagot naman ng kontrobersyal na negosyante, “vine-verify ko pa sana eh na-post ko na pala publicly kaya hindi ko na ma-delete.”

Matatandaang umiiyak na ibinunyag ni Maris sa isang presscon na ilang linggo na silang hiwalay ni Rico. Bagamat hindi eksaktong masabi ng aktres kung ano ang dahilan ng kanilang breakup dahil komplikado raw, inamin niyang siya ang may problema at hindi ang boyfriend.

“Maybe I turned to the next page. I saw a new perspective sa life. I had visions sa who I want to become, how I want to evolve. I’m so curious about the world. And the truth is, I am going through changes,” aniya.

Sey pa ni Maris, “I told him my problems, my issues sa buhay. He took it like a man. It was a very difficult talk, I love him so much. I love him and he loves me but I have so many questions about my life and how will I go on sa buhay.”

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with